top of page

Kahulugan ng beef at nabanlian ng kumukulong tubig

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 4, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Naic, Cavite.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumili ako ng beef, at pinakuluan ko ito para lumambot.


Makalipas ang 25 minutes, tiningnan ko ito kung malambot na, nang biglang lumigwak ang kumukulong tubig, nabanlian ang bandang bahagi ng kamay, paa at binti ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Thelma


Sa iyo,Thelma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng beef, at pinakuluan mo ito para lumambot, ay kasaganaan sa buhay, at magiging mayaman ka na.


Samantala, ang biglang lumigwak ang kumukulong tubig, at nabanlian ka, ito ay senyales na magtatagumpay ka sa iyong mga hangarin sa buhay, at dahil hindi ka lang sa kamay nabanlian kundi pati na rin sa iyong paa at binti, pahiwatig ito na mapapasaiyo ang napakalaking tagumpay. Hahangaan ka nila at magiging huwaran sa inyong lugar.


Ang 25 minutes mong pinakuluan ang beef, ay nangangahulugang pabagu-bago ang iyong isipan. Madali kang magpalit ng desisyon pero madalas kang magdasal kaya nakatunghay sa iyo ang Diyos, hindi ka niya pababayaan, at mapapasaiyo pa ang pagpapala ng Dakilang lumikha.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page