top of page

Kahulugan ng batis, malinaw na tubig, wisik at nabasang relo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 16, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jeremy ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa batis na malapit sa likod bahay namin. Ang linaw-linaw ng tubig, inilubog ko ang kamay ko kaya nabasa ang relo ko. Nagwisik din ako at halos maligo na sa batis.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jeremy


Sa iyo, Jeremy,


Ang panaginip mo na pumunta ka sa batis na malapit sa likod bahay niyo, malinaw ng tubig, ay nagpapahiwatig ng kasaganaan, kaligayahan at kaunlaran sa buhay. Ang nagwisik ka sa batis ay nangangahulugan na nag-aalala ka sa mga bagay na malapit mo nang maisakatuparan.


Gayunman, ipanatag mo ang iyong kalooban dahil mapapasakamay mo na ang iyong minimithi.


Samantala, ang nilubog mo ang iyong kamay sa batis at nabasa ang relo mo ay senyales na yayaman at papalarin ka sa negosyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page