top of page

Kahulugan ng balyena, malinaw na tubig sa dagat at nag-swimming

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 19, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Eloisa ng Pateros.

Dear Maestra,


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na namamasyal ako sa beach tapos may nakita akong malaking whale. Masaya itong lumalangoy sa malinaw na tubig at dahil malinaw ang tubig, naisip kong mag-swimming sa dako pa roon. Ano ibig sabihn ng panaginip ko?


Naghihintay,

Eloisa


Sa iyo, Eloisa,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng whale o balyena sa beach ay isa sa mga best friend mo ang maglalakbay sa ibayong-dagat, ibig sabihin, mag-a-abroad siya.

‘Yun namang malinaw ang tubig sa beach ay nangangahulugan ng kaligayahan, kasaganaan at kapayapaan ng puso at isipan na daranasin mo sa mga susunod na araw. Mabuti naman at malinaw ang tubig sa panaginip mo dahil kung malabo, maputik at marumi ito, kasawiang-palad ang ibig sabihin nito at kamalasan sa buhay sa darating na panahon.


Samantala, ang sabi mo ay nag-swimming ka sa beach. Kung nakataas ang ulo mo habang lumalangoy, ito ay nangangahulugan ng tagumpay sa alinmang larangan na papasukin mo. Kung nakalubog naman ang ulo mo habang lumalangoy, masasangkot ka sa isang kaguluhan. May gulo na nakatakdang maganap sa paligid mo kaya umiwas hangga’t maaga pa. Kapag may naamoy kang hindi magandang nangyayari, umiwas ka agad upang hindi ka masangkot sa gulo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page