Kahulugan ng anino ni satanas at Patron Saints
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 28, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Capiz.
Dear Maestra,
Shout out sa inyo lahat d’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na nakakita ako ng anino ni satanas sa sulok ng aking kuwarto sa may gawing kaliwa at nang tumingala ako, nakita ko naman ang mga Patron Saints ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rebecca
Sa iyo, Rebecca,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng anino sa kuwarto mo ay magiging kaaway mo ang dati mong kaibigan. Ang anino ni satanas sa gawing kaliwa sa sulok ng kuwarto mo ay nangangahulugang masasangkot ka sa gulo dahil sa hindi magandang pag-uugali na likas na sa pagkatao mo. Baguhin mo na ang iyong lifestyle upang ‘di ka masangkot sa gulo.
Samantala, ang ibig ipahiwatig ng Patron Saints na nakita mo ay payapa at panatag na pamumuhay. Samakatuwid, kung babaguhin mo na ang iyong pag-uugali at bad habits mo, tiyak na makakamit mo rin ang kapayapaan at kapanatagan sa iyong buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments