top of page

Kahulugan ng anino na hitsurang demonyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 16, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonna ng Caloocan City.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nakakita ako ng anino sa kuwarto ko. Nakakatakot dahil parang demonyo ang hitsura nito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jonna


Sa iyo, Jonna,


Ang panaginip na nakakita ka ng anino sa kuwarto mo ay nagpapaalala na posibleng makaaway mo ang iyong kaibigan. Ito rin ay nangangahulugang mawawalan ka ng pera, kaya mapipilitan kang umutang sa lending company kahit malaki ang tubo.


Samantala, ang ibig sabihin ng natakot ka dahil parang demonyo ang anino na nakita mo sa kuwarto mo ay masasangkot ka sa gulo dahil sa hindi magandang pakikitungo mo sa iyong kapwa at pagbabalewala sa nagawa nilang tulong sa iyo. Dahil dito, matuto kang makisama sa kapwa. Igalang mo ang kanilang katayuan sa buhay upang ikaw ay pagpalain sa buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page