Kahulugan ng anim na bote ng wine
- BULGAR
- Oct 28, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 28, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rommel ng Batangas.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na sinubukan kong gumawa ng wine, tapos inilagay ko ito sa bote at anim na bote ang napuno ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rommel
Sa iyo, Rommel,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sinubukan mong gumawa ng wine ay may darating kang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita, kung saan dadalawin ka niya.
Ito rin ay nangangahulugan ng hindi inaasahang kaligayahan na malapit mo nang maranasan sa susunod na mga araw.
Samantala, ang inilagay mo ang wine sa bote at napuno mo ito ay nagpapahiwatig ng kaligayahan at tagumpay sa iyong mga hangarin. Ang anim na bote naman ay nangangahulugan ng temptasyon sa pag-ibig. Matutukso kang pumatol sa iba kahit may karelasyon ka na. Gayundin, madalas kayong magde-date at ikaw mismo ang gagastos sa lahat ng bagay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments