top of page

Kahit todo-effort sa panunuyo sa pamilya niya… JANINE, DYODYOWAIN LANG, 'DI PAKAKASALAN NI ECHO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 29, 2024



Showbiz News
Photo: Jericho Rosales at Janine Gutierrez

Todo-effort si Jericho Rosales sa panunuyo sa pamilya ni Janine Gutierrez upang patunayan na seryoso siya sa kanyang layunin sa dalaga ni Lotlot de Leon. 


Kamakailan nga ay dumalo si Echo sa kaarawan ng lola ni Janine, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales. Kumanta pa si Jericho sa nasabing birthday party. 


Masaya naman si Janine sa ginagawa ni Jericho upang mapalapit sa kanyang pamilya.  Gayunpaman, marami ang nagsasabing boyfriend material lang si Echo at hindi pang-seryosong relasyon. Pagkatapos nilang maghiwalay ng misis niya na si Kim Jones, hindi basta maghahanap ng kapalit si Jericho. Hindi rin nakikita ng mga netizens na muling magpapakasal ang aktor.


Ten years ang agwat ni Echo kay Janine, he’s 44 years old at 34 naman ang aktres. 

Kung tutuusin, pareho na silang mature. Pero, sa puntong ito ng kanyang buhay, handa ba si Janine na magkaroon ng sariling pamilya? Puwede ba siyang pakasalan ni Jericho o okey lang na maging single mom siya?


 

Nagbunga ang pagdikit-dikit at pagpapakontrobersiyal ng nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose. Matutupad na rin ang pangarap nitong maging celebrity dahil interesado sa kanya ang ABS-CBN. 


Well, may manager na rin ngayon si Chloe na mamamahala sa kanyang career. Mukhang magkakaroon pa sila ni Caloy (Carlos' nickname) ng exposure o guesting sa Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.


Sa pagbisita ng Olympian two-time gold medalist sa ABS-CBN, nagkita at nagkausap sila ni Coco. Tiyak na kasama sa kanilang pinag-usapan ang BQ. Posibleng ikonsidera ito ni Carlos dahil guesting lang naman 'yun.


Besides, hindi magiging busy sa training si Caloy dahil nagpasabi na siya na magpapahinga muna at hindi lalahok sa anumang kompetisyon sa taong ito (2024).


Maaari na siyang tumanggap ng mga endorsements at guestings, baka nga package deal pa sila ng nobya niya. 


‘Yun nga lang, hindi malilimutan ng maraming tao ang kanyang pagtalikod sa kanyang pamilya matapos manalo sa Paris Olympics 2024. Mas pinili niya ang kanyang nobya kesa sa kanyang mga magulang at mga kapatid.


 

SA kabila ng pagdududa ng marami sa tunay na gender ni Bimby Aquino, naniniwala ang maraming kaibigan at supporters ni Kris Aquino na straight guy ang kanyang bunsong anak. 


Isang malaking fake news ang ipinakalat sa social media na pag-amin daw ni Bimby na may karelasyon siyang guy. Kahit na medyo malamyang kumilos at magsalita si Bimby at gayang-gaya ang mannerisms ng kanyang Mommy Kris, lalaki pa rin ito at hindi berde ang dugo.


Sobra lang na maka-ina si Bimby kaya sinasabi ng mga netizens na hindi siya nagmana sa kanyang Papa James Yap. 


Seventeen years old pa lang ngayon si Bimby at darating din siya sa tamang edad upang magbago at maging brusko. Huwag muna siyang husgahan ngayon.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page