Kahit sa harap ng family, todo-kiss sa BF… HIRIT NG NETIZENS: JULIA, PATAY NA PATAY KAY GERALD!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 10, 2021

Viral ang pag-kiss ni Julia Barretto sa lips ni Gerald Anderson nu’ng kaarawan ng aktor kamakailan.
Nag-birthday party si Gerald sa kanyang private resort sa Zambales kung saan naroroon din ang buong pamilya ni Julia.
Lantaran na nga ang couple at napansing hindi na sila nagkakailangan sa isa’t isa.
May birthday greetings din ang actress sa boyfriend.
“Everyday I celebrate you but today I am extra grateful. Happy birthday my love. I AM SO PROUD OF YOU,” sey ni Julia sa harap ng mga bisita ni Gerald at ng kanyang pamilya.
Ayon sa mga netizens, hindi lang birthday ni Gerald (who is 32 na), ang isinelebra nila kundi maging ang anniversary ng kanilang relasyon.
“Birthday na… anniversary pa… ilang taon na ba? 2?”
“Yesssss in love na in love! Baka sila na talaga ang magkatuluyan. Magkaka-baby na sila since 'yan naman ang gusto ni Julia, hanggang bata pa ay magka-baby na siya.”
“Happy for these two lovebirds. Mukhang inlababo talaga kaya move on na lang lahat kasi 'yung mga pamilya nila, eh, tanggap nga sila.”
“Move over, Ellen and Derek. It's their turn naman sa limelight.”
“Man of the hour. Tabi muna, Tito Derek. Leave it sa medyo bagets.”
“Na-shock! Baka sabihin n'yan, TOXIC din si Julia sa paghalik, bwahahahaha!”
“Pansin ko rin, hahaha! 'Yung arms din, nakalaylay lang unlike kay girl na nakayapos.”
“Si Bea kaya nagbigay ng idea kay Gerald na bumili ng property sa Zambales since 'andu'n ang farm ni Bea? If so, ang tatag mo, Gerald, ha? Lololol. Well, enjoy it while it last."
“Matamlay yata si boy? Si girl pa mismo nag-initiate.”
“'And'yan nanay ni girl, eh."
“Ano naman ang masama doon. Bf naman na niya 'yung tao. Buti sana kung nagliligawan pa lang. Kayo talaga, ang bi-bitter n'yo."
“Ayaw patalo nina Ellen at Derek, mas lagi sila nagpo-post after mag-post ni Julia. Contest sila sa paramihan ng bashers but it looks like panalo na si Julia agad.”
Dahil tahimik lang si Bea Alonzo na ex ni Gerald, nag-conclude ang isang commenter.
“Bea's heart is bleeding in silence.”
“Tuwa pa si Bea sa nangyayari. Time as the ultimate truth teller nga. Minsan, gusto mo lang ng ganu'ng moment na 'Tama naman talaga ako, ako pa ang pinagmukhang masama.'
“Pasalamat nga si Bea at nakatakas s'ya, eh. Salamat din at nakatakas din sina Kim and Maja from him.”
“Itinotodo na talaga ni Julia. LOL. Bago nga naman mag-expire ang relasyon nila.”
“Enjoy it while it last. Madali pa naman magsawa 'yan si Budoy.”
“Halatang patay na patay si Julia.”
“Patay na patay na rin ang career niya. Haiz, sayang ang effort ni Joshua para buhayin ito. Lol.”
“In love talaga si girl, napaka-opposite nu'ng sila pa nu'ng Josh, if that was really real, this one she's really initiating and demonstrative.”
“B-day celebration at 2 years anniversary.”
“Today birthday ni Gerald, sa March 10 naman si Juls. Anniv siguro nila, March 9, hehehehehe.”
May nakapansin naman sa presensiya ni Piolo Pascual na nasa birthday din ni Gerald. Best friend daw kasi nina Gerald at Julia si Papa P.
“Wow, Papa P, he remained a good friend despite dami nang may ayaw kay Gerald. Ibang friends ni Gerald, nawala na.”
“Kinain din ni Julia ang 'I refuse to be your victim'... ang pait-pait ba?”
Ang dami talagang sey ng mga netizens!





Comments