Kahit parehong bilyonaryo, walang chemistry… BEA AT ANAK NG MAY-ARI NG PUREGOLD, ‘DI RIN DAW MAUUWI SA KASALAN
- BULGAR

- May 10, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 10, 20255
Photo: Bea Alonzo - IG
Kung maraming mga fans ni Bea Alonzo ang natutuwa dahil nakatagpo na ito ng bagong mamahalin sa katauhan ng billionaire businessman na si Vincent Co, may ilang mga netizens naman ang nagsasabing hindi rin ito magtatagal tulad ng relasyon nila noon ni Dominic Roque.
Although pareho silang billionaire ni Vincent Co na anak ng may-ari ng Puregold at mahilig sa negosyo, hindi sila kinakitaan ng chemistry sa isa’t isa.
Pang-display lang daw ni Bea si Vincent at hindi mauuwi sa kasalan ang lahat.
Ngayon pa lamang ay tinataningan na ang kanilang relasyon.
Ibang-iba pa rin ang love na naramdaman ni Bea kay Dominic Roque. Si Dominic ang TOTGA (the one that got away) ni Bea. Sayang nga lang at may mga humadlang at sumira sa kanilang pagmamahalan.
Kahit na billionaire pa ang kanyang mapangasawa, hindi niya basta makakalimutan ang masasayang araw nila ni Dominic Roque.
MAY mga nagtatanong kay Leandro Baldemor kung willing ba siyang gawan ng sculpture ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor.
Bukod sa pag-aartista, isa ring mahusay na manlililok si Leandro. Marami na siyang obrang nagawa at ilan sa mga ito ay mga prominenteng tao.
Kaya may nagtanong kay Leandro kung kaya niyang iukit si Nora Aunor at ano’ng portrait o anyo nito ang balak niyang gawin.
May ilang Noranians naman ang nagsa-suggest na ang image ni Elsa sa pelikulang Himala ang kanyang gawin. ‘Yan ang character ni Aunor na tumatak sa marami.
Pero nakadepende naman ito sa kagustuhan ng sinumang magpapagawa ng statue ni Nora Aunor.
Kailangan kasi na makuha ni Leandro ang eksaktong image o mukha ni Aunor at hindi madaling gawin dahil mabusisi.
Sa edad na 67…
AMAY BISAYA, PUMANAW NA
NAGLULUKSA na naman ang showbiz ngayon sa pagpanaw ng komedyanteng si Amay Bisaya (Roberto Reyes) na 67 years old.
Ilang taon ding naratay sa karamdaman si Amay Bisaya mula nang siya ay ma-stroke, kaya hindi na siya nakikita sa mga showbiz events.
Taong 2022 ay nabalitang pumanaw na si Amay Bisaya, pero isa itong fake news dahil buhay na buhay pa siya noon.
Aktibung-aktibo noon si Amay Bisaya sa showbiz. Naging malapit siya noon sa yumaong King of Philippine Showbiz na si Fernando Poe, Jr. at naging supporter din ni Imelda Papin sa kanyang political career noon.
Minsan din ay nag-attempt si Amay Bisaya na sumabak sa political arena. Kumandidato siyang gobernador ng Bohol pero natalo.
Ganunpaman, maraming naging kaibigan na malalaking tao si Amay Bisaya dahil malakas ang kanyang karisma.
Tiyak na daragsa ang makikiramay at bubuhos ang ayuda at tulong sa kanyang pamilyang naulila.
Ibuburol sa St. Peter Commonwealth si Amay Bisaya at sa Linggo ang simula ng viewing.
Rest in peace, Amay.
MASAYA at nag-enjoy nang husto ang buong cast ng Pepito Manaloto (PM) sa summer episode ng sitcom.
Nagse-celebrate ngayon ang PM ng 15th anniversary. Ito na bale ang pinaka-vacation break nila dahil sa labas ang kanilang taping at madalas ay sa resort kinukunan ang kanilang summer episode.
Mas nakakapag-bonding ang lahat at walang pressure sa trabaho.
Isa ito sa mga taping ng PM na inaabangan ng buong cast.
Gustung-gusto nila ang pagbabad sa dagat at camping style na may sariwang hangin.
Sa PM na lumaki at nagdalaga si Angel Satsumi na nagsimula bilang child star.
Siya ang bunso ng mag-asawang Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V). kaya itinuring na niyang second parents ang dalawa.
Patuloy ang paghahatid ng saya at katatawanan ng PM sa kanilang mga viewers na mahigit isang dekada nang nanonood ng kanilang sitcom.










Comments