ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 5, 2024
KATANUNGAN
May crush akong lalaki. Ang problema nga lang ay hindi naman niya ako nililigawan. Takot at mahiyain yata siya pagdating sa mga babae.
Ano ba ang magandang paraan upang magkalapit ang loob namin? Kung ako lang ang masusunod, gusto ko na siyang maging boyfriend.
Matutupad kaya ang pangarap kong ito? Darating din kaya ang time na liligawan niya ako, at siya rin kaya ang magiging first boyfriend ko?
KASAGUTAN
Kapansin-pansin ang guhit na nanggaling sa Bundok ng Venus (Drawing A. at B. v-v arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kung saan, ang Bundok ng Venus ang tinatawag na Bundok ng Emosyon (arrow a.).
Ayon sa Modern Palmistry, ang anumang guhit na nagmula sa nasabing bundok na tumawid sa Life Line (L-L arrow b.) at Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow c.) sa kaliwa at kanang palad ay siya ring itinuturing na pakikipagrelasyon sa ka-opposite sex. Sa kaso mo, ang mga guhit na nabanggit ay ang mga lalaking magiging boyfriend mo.
Ibig sabihin kung babae ka, ang bilang ng mga guhit na nagsimula sa Bundok ng Venus at tumawid sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.) ay siya ring bilang ng magiging boyfriend o girlfriend mo. Sila ang mga guhit sa iyong kapalaran (arrow a.) ang itatalang makakarelasyon mo, pero hindi mo naman tuluyang mapapangasawa dahil ito ay maituturing na panandalian o pansamantalang romansa lamang.
Bilangin mo ang nasabing mga guhit sa Bundok ng Venus (arrow a.), at iyan ang magiging sumatotal ng mga lalaking makakarelasyon mo.
Malapit na ring maganap o mangyari ang unang pakikipag-boyfriend kung saan, agad-agad na tumawid ang Venus Line sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.), sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hinarap, isang lalaking medium built ang pangangatawan, tahimik at medyo mahiyain ang nakatakda mong maging first boyfriend, at ang inyong relasyon ay nakatakda ring umabot ng isang taon o ‘di kaya anim na buwan.
Ang pag-aanalisang magkaka-boyfriend ka na ay madaling kinumpirma ng lagda mo na kinakitaan ng korteng puso na nagpapahiwatig na sa ngayon, unconsciously at lihim lang na gusto mo nang magka-boyfriend.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Mara, tiyak ang magaganap, ngayong buwan ng Agosto hanggang Setyembre ngayong taon, walang duda, matutupad na ang malaon mong pangarap – magkaka-boyfriend ka na, at ang lalaking makakarelasyon mo ay walang iba, kundi ang lalaking crush na crush mo.
Comentarios