Kahit nakakulong, senador pa rin — Win... Jinggoy, nahalal na chair ng Electoral Reforms
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 30, 2026

Photo: File
Sa kabila ng kanyang pagkakadetine, nahalal pa rin si Sen. Jinggoy Estrada bilang chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms ngayong 20th Congress.
Bilang pinuno ng komite, pangungunahan ni Estrada ang pagtalakay at pagbuo ng mga panukalang batas na may kinalaman sa mga batas sa halalan, mga proseso ng eleksyon, at iba pang repormang pang-elektoral sa bansa.
Nilinaw ni Senate President Win Gatchalian na nananatiling senador si Senador Jinggoy Estrada sa kabila ng kanyang pagkakakulong kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder.
Ayon kay Gatchalian, miyembro pa rin ng Senado si Estrada na bahagi ng minorya at ang lahat ng miyembro ng minorya ay mabibigyan ng komite.
Dagdag pa ng Senate President, maaari ring magpatakbo ng komite ang isang vice chairman sakaling hindi aktibong makapangasiwa ang isang chairman.





Comments