Search
  • BULGAR

Kahit nagbalik-TV pa... ANG PROBINSYANO NI COCO, HANGGANG SEPTEMBER NA LANG

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 23, 2020




By this time, maaaring nagsimula na ulit mag-taping ang Kapamilya actor na si Coco Martin para sa longest action-serye ng ABS-CBN, ang FPJ's Ang Probinsyano.

Siyempre, join din ang iba pang malalaking bituin na bahagi ng AP. And one of the major stars nito ay si John Arcilla.

Sa kanyang Facebook page ay nag-post ng video si John habang kinakanta ang Broadway song na As If We Never Said Goodbye mula sa musical play na Sunset Boulevard.

Inihalintulad niya ang laman ng awitin sa muling pagpapalabas sa telebisyon via cable channel and internet ng top-rating drama series nila na pinagbibidahan ni Coco.

"This song almost expresses the feeling I am going thru while preparing for my first day of a locked-in taping. Though the presence of the virus somewhere out there makes the feel something a bit different... anyway I love this song... hope you’ll like it too- while a lot of things are going on around my space, let's make believe that those are just the sound of the production set being prepared for the next sequence. God bless everyone," caption niya sa kanyang video.

He posted this video on his social media account last June 18, Thursday.

Bukod kay John, magbabalik-taping na rin daw sa FPJ's Ang Probinsyano ang veteran actress and movie queen na si Susan Roces. Naibalita namin before na nag-beg-off na si Susan sa produksiyon ng Ang Probinsyano na mapasamang muli sa taping nang naka-lock-in.

Valid naman ang reasons ni Ms. Susan at naintindihan 'yun ng production ng Ang Probinsyano.

Pero, may balita ngayon na magbabalik-taping na rin ang ina ni Sen. Grace Poe. May naisip daw na paraan ang produksiyon para patuloy pa ring mapanood si Ms. Susan ng mga tagahanga ng Ang Probinsyano.

This time, hindi na raw kailangang lumabas ng bahay ni Ms. Susan. Instead, sa mismong bahay na lang niya kukunan ang mga eksena ng veteran actress.

Although, may malungkot lang na kabuntot na tsika sa pag-join ni Ms. Susan sa taping ng iba pang members of the cast ng AP. Baka hanggang Setyembre na lang daw at tatapusin na ang FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

If true, hindi nga naman magandang matapos ang show na hindi kasama si Ms. Susan at 'di masilayan si Lola Flora (karakter niya sa drama series) hanggang sa pagtatapos ng seryeng halos limang taong tinutukan ng mga fans.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.