Kahit miss na miss na… ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT 'DI MAKABALIK SA IT'S SHOWTIME

Julie Bonifacio - @Winner | January 29, 2021

Mukhang nagbabadya na ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime ng ABS-CBN. Madalas kasi siyang mag-post sa Twitter ng mga ganap sa kanila ng mga kasamahan niyang hosts sa show.
In her recent tweet, sinabi ni Anne na katatapos lang niyang tsumika via Zoom kay Karylle.
Tweet ni Anne, "Just had a zoom call with unnie (pet name niya for Karylle) last night! Miss you @anakarylle"
Nagpakita naman ng suporta ang mga netizens kay Anne by posting a comment na nami-miss na nila ang half-Australian, half-Pinoy TV host.
Samantala, nauna nang nagpahayag si Anne ng kanyang loyalty sa Kapamilya noontime show. Never daw niyang iiwan ang It's Showtime na ngayon ay araw-araw napapanood sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.
"Good morning! As I told my Showtime family during a private conversation, I will never leave It’s Showtime. Been with them since day 1 and will be with them until the day comes that the show has to say goodbye. But for now, mummy duties lang ako," tweet ni Anne.
Sumang-ayon naman ang ibamg netizens sa mensahe ni Anne.
"I miss watching you sa Showtime! Can’t wait na mapanood ka nang live and to take photos of you! For the meantime, enjoy-enjoy na lang with your IG stories feat. you as a mum."
"Nakaka-miss pero we do understand. Aside from mom duties, mahirap ding mag-travel lalo na't may covid pa. At the same time, visible pa rin si @annecurtissmith sa tv sa dami ng commercials, haha! At sobrang active sa socmeds. At deserve rin niyang magpahinga at mag-focus kay Baby Dahlia."
Naku, baka any moment, gulatin na lang ni Anne ang madlang pipol sa pag-apir niya ulit 'in the flesh' sa It's Showtime.
Kaya abangan, madlang pipol.





Comments