Search
  • BULGAR

Kahit milyones na ang nagastos… FINAL ANSWER: DARNA MOVIE NI JANE, 'DI NA ITUTULOY!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 01, 2020




How true, shelved na ang Darna movie ni Jane de Leon under Star Cinema na si Jerrold Tarog ang direktor? Si Paulo Avelino naman ang leading man ng aktres.


Katwiran namin sa aming kausap, baka postponed lang ang shooting dahil nga sa kinakaharap na mga problema ngayon ng ABS-CBN tungkol sa franchising, TV Plus blackbox, labor at iba pa base sa ginanap na hearing ng Kapamilya bigwigs sa Kongreso nitong Lunes.


“True nga! Sobrang laki na ang nagagastos ng Darna sa pre-prod at ilang araw na shootings simula pa nu’ng si Erik Matti ang unang magdidirek sana nu’ng si Liza Soberano pa ang gaganap sa role."


Matatandaang unang nag-back-out si Angel Locsin sa Darna dahil sa back injury niya kaya naisip ng mga bossing ng ABS-CBN at Star Cinema na si Liza Soberano na lang ang ipalit, pero nakakailang training pa lang ang dalaga ay naaksidente na ang kanyang 4th finger sa kanang kamay.


At dahil dito ay kinailangang lumipad si Liza sa Amerika para magpaopera ng nabaling daliri at binilinan ng doktor na hindi siya puwedeng tumanggap ng matitinding eksena at higit sa lahat, hindi rin mabaluktot ng aktres ang nasabing daliri.


Kaya back to zero na naman ang Star Cinema at nagpa-audition sila at si Jane de Leon nga ang final choice.


Excited pa naman si Jane kaya wala siyang mintis sa pagdalo sa mga trainings, pero heto, hindi na nga itutuloy ang pelikulang mahigit limang taon nang binubuo.


"Pahirapan ang shooting dahil maraming locations, maraming talents na kailangan, at higit sa lahat, may mga bata, eh, 'di ba, bawal ang bata sa shooting/tapings ngayon dahil sa pandemya at 12 hours lang ang shooting, eh, paano na?"


Binanggit sa amin ang halagang nagastos na at oo nga, malabong mabawi ito lalo't katumbas na ito ng hit movie ng Star Cinema.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.