top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit MGCQ na manatili pa rin sa loob ng bahay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo - @News | July 1, 2020




Sinabi ni DOH Usec. Ma Rosario Vergeire kahit MGCQ na ang isang lugar dapat manatili pa rin sa loob ng bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas. Dahil simula sa July 1 hanggang 15 ay nasa ilalim na ang ilang probinsya sa MGCQ. “Pag sinabi po na low-risk MGCQ, ito po ay mas mababa sa talagang MGCQ, we are now transitioning into this new normal kung saan lahat ng minimum health standards na dapat ipatupad sa bawat setting na meron tayo whether it be for transport, for education and all,”

Dagdag pa nito “Una, kung wala kang gagawin na essential outside of your home, huwag kang lumabas. Because you are still in community quarantine kahit sabihin natin na low-risk MGCQ yan,” Sinabi rin ni Vergeire ay dapat pa rin mag suot ng facemask kapag lalabas ng bahay at sundin ang protocol ng social distancing at palaging maghugas ng mga kamay .

Sa pamamahala ng Inter-Agency Task Force for the Management (IATF) ang mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ ay magiging limitado ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito at ang mga nagtratrabaho at mga nasa industriya lamang ang puwedeng mag-operate.

Ang pampublikong transportasyon sa mga lugar sa ilalim ng MGCQ ay pinapayagan din ngunit limitado lamang ang mga sakay nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page