top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahit mga sikat na… ALDEN AT BEA, PINAG-WORKSHOP KAY NONIE BUENCAMINO BAGO MAG-SHOOTING

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | February 18, 2021




Wala sa Eat… Bulaga! kahapon si Alden Richards at ang feeling ng kanyang mga fans, nagsimula na itong maghanda para sa locked-in shooting ng movie nila ni Bea Alonzo na A Moment to Remember.


Bago ang shooting, dadaan muna sina Alden at Bea sa story conferences at acting workshops under Nonie Buencamino kahit mahusay na ang dalawa dahil ang istorya ng A Moment to Remember ay tungkol sa couple na magkakaproblema ang masayang love story dahil magkakaroon ng Alzheimer’s disease ang babae.


Sa halip na February, sa second week na raw ng March ang simula ng locked-in shooting na gagawin sa Manila at iba pang location.


Siguradong naayos ng GMA Artist Center ang schedule ni Alden bago sumabak sa locked-in shooting. Tiyak na nakapag-advance taping na ito sa iniho-host niyang Centerstage at ganundin sa segment niya sa All-Out Sundays.


Sabagay, puwede siyang um-absent sa AOS kung may magpi-pinch hit muna sa kanya. Kaya lang, karamihan sa mga performers ng show, nasa locked-in taping din.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page