top of page
Atasha Muhlach as Annie Batungbakal - IG.jpg

Kahit may taas-pasahe, rollback sa petrolyo... Tigil-pasada tuloy

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 30, 2026



Pastor at Korean missionary nalunod sa Abra - Boliney PNP

Photo: File / Jeff Tumbado



Itutuloy ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang dalawang araw na tigil-pasada na nagsimula ng Martes, Setyembre 29 at magtatapos ngayong araw ng Miyerkules, sa kabila ng ipinatupad na dagdag-pasahe at rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.


Nagsimula ang tigil-pasada ng PISTON bilang panawagan para sa mas mababang presyo ng langis at karagdagang suporta para sa mga tsuper at operator.


Ayon kay PISTON President Mody Floranda, hindi sapat ang kasalukuyang dagdag-pasahe upang matugunan ang mataas na gastusin sa krudo, maintenance, at iba pang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.


Kabilang sa mga pangunahing panawagan ng PISTON ang pagtanggal sa excise tax at value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo, pagbaba ng presyo ng diesel sa P55 kada litro, at pagbasura sa Oil Deregulation Law.


Hinihiling din ng grupo ang karagdagang P10 sa pasahe upang makatulong sa mga tsuper na nahaharap sa patuloy na pagtaas ng gastusin.


Kasabay nito, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis nitong Martes ng malakihang rollback sa presyo ng petrolyo. Bumaba ng P7.60 kada litro ang diesel, P0.30 ang gasolina at P5.90 ang kerosene.


Gayunman, iginiit ng PISTON na hindi sapat ang rollback upang matugunan ang kanilang mga hinaing, lalo na dahil nananatili umanong mataas ang presyo ng diesel at iba pang gastusin sa operasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page