Kahit may COVID surge.. Galing China, ‘di kailangang mas higpitan — DOH
ni Madel Moratillo | December 30, 2022

Para sa Department of Health (DOH), hindi pa napapanahon na magpatupad ng mas mahigpit na restriction sa mga biyahero mula China.
Una rito, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na dapat magpatupad ng mahigpit na restriction sa mga galing sa China.
Kasunod ito ng panibagong surge ng COVID-19 cases sa China.
Paliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, nasa mas magandang posisyon na ang Pilipinas ngayon.
Hindi rin aniya dapat mangamba dahil patuloy na nagpapatupad ang bansa ng mahigpit na surveillance at monitoring sa mga pumapasok sa bansa.
Para sa hindi pa bakunado, kailangan nilang magpa-antigen.
Para kay Vergeire, sapat na ang mga pag-iingat na ito.





Comments