top of page

Kahit may anak at dyowa pa… ANGEL, UMAMING BABAE ANG GUSTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | October 7, 2025



Jinggoy Estrada - Senate PH

Photo: Shuvee at Vice / FB



HINDI namin alam kung may pormal na pag-come out sa public si Angel Aquino na umamin nga sa isang TV show na babae ang gusto niya.


In-explain pa niya na attracted din siya sa mga babae though wala namang direktang pag-amin na nakikipagrelasyon siya sa same sex o gender.


But still, dahil nga sa mabilis mag-isip at mag-conclude ang madlang pipol, nagwan-plus-wan nga ang lahat na baka nga iyon ang ibig sabihin ng maganda at magaling na aktres.

May anak si Angel at nababalitaan din naman nating may karelasyong lalaki ang magandang aktres, pero sa sinabi niyang iyon, madali sa mga netizens ang mag-isip ng kung ano.


Ang bongga-bongga pa naman ng exposure niya sa Batang Quiapo (BQ) na isang p*kp*k na babae na na-involve sa top ranking political family na kalaban nina Tanggol (Coco Martin), at naging congresswoman pa. 


Gumaganap siyang nanay ni Jake Cuenca na pinag-uusapan ang pagiging magkahawig na nila dahil sa kanilang kapayatan at mala-butu-butong awrahan ng mukha at katawan.



MARAMI pa ring mga celebrities natin ang patuloy sa pagiging vigilant hinggil sa mga nagaganap sa gobyerno, partikular na ang mga hearing sa parehong chamber ng Congress at Senate.


Mukha raw kasing moro-moro na naman ang kahihinatnan ng lahat lalo’t after mag-resign ni Sen. Ping Lacson bilang chairman ng ginagawang inquiry/investigation sa flood control issue, ipinatigil naman ito temporarily ni Senate President Tito Sotto. Dahil umano ito sa kawalan ng mga iba pang tatayong testigo sa mga inaakusahang mga sangkot.


‘Yung itinalaga namang ‘non-partisan agency’ na International Criminal Court (ICC) ay puro closed-door naman daw ang pag-iimbestigang ginagawa kaya’t nakanganga ang madlang pipol.


Ang ilan nga sa mga matitiyagang celebrities natin na tutok na tutok sa mga kaganapan ay sina Edu Manzano, Carla Abellana, Barbie Imperial, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Atom Araullo, Kara David at Alden Richards.


‘Yung iba ay tila nanahimik na rin at naghihintay lang ng posibleng mga plano sa future.



NOON pa namin nababalitaan ang diumano’y pagiging plastikada nitong si Tuesday Vargas.


Maraming beses na rin naman siyang nagpaliwanag ng kanyang panig pero tila mas marami ang ayaw maniwala sa kanya.


Sa isang mahabang post, sinagot ng komedyana-host ang naging paratang sa kanya kamakailan sa isang insidente sa Hong Kong, Disneyland.


Ayon sa nagkukuwento, nagsungit, nagtaray at may pabilug-bilog daw ng mata si Tuesday noong in-approach ito ng isang mag-lola na nais magpapiktyur dito.


Pinabulaanan ito ni Tuesday na sumumpang walang nangyari o hindi totoo ang insidente at pinagbigyan niya ang mga nakakilala sa kanya at nagpa-picture.


Hindi ito ang unang beses na nasangkot sa same incident si Tuesday. Kahit sa programang Face to Face (FTF) kung saan kasama siya nina Madam Korina Sanchez at Ryle Santiago ay may balita ring nagtataray raw ito kapag may sumpong or what.


Sa lakas ng personalidad ni Tuesday at sa talino rin nitong magsalita, baka nga nayayabangan sa kanya ang isang ordinaryong tao.


Pero dahil paulit-ulit na nga ang mga ganitong tsika, baka may something wrong sa paraan o manner ng komedyana-host sa pag-deal sa tao?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page