top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahit itinakwil ng mga magulang noon...HEART, ‘DI NAGSISISING NAGING BF SI JERICHO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 1, 2021





Ayon kay Heart Evangelista ay hindi seloso ang kanyang hubby na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.


Minsan ay napag-usapan nila ang mga nakaraan niyang relasyon sa showbiz pero hindi niya naramdaman na nagselos at na-insecure si Chiz. Hindi pa naman kasi siya nagiging bahagi ng buhay ni Heart noon.


So, ang tanong, sino kaya sa mga ex-BFs ni Heart ang maituturing na nagmarka at kayang pumantay sa mga katangian ni Gov. Chiz?


Ilan sa mga naging karelasyon ni Heart ay sina John Prats, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales at Daniel Matsunaga.


Sey ni Heart, in terms of maturity at ‘yung may lalim ang personalidad at marami siyang natutunan sa buhay, si Jericho ang nakakalamang.


Alam naman ng buong showbiz na masyadong naging madrama ang love story nila noon ni Echo at iniyakan ni Heart ang kanilang paghihiwalay.


Tinutulan pa ng kanyang mga magulang ang relasyon nilang dalawa noon. ‘Yun ang panahon na sinunod ni Heart ang kanyang puso at tinikis na siya at itinakwil ng kanyang parents.


Well, nang mag-mature na si Heart ay saka lang niya naunawaan ang lahat. Looking back, wala namang regrets ang aktres na minahal niya noon si Echo. Sadyang hindi lang sila ang nakalaan para sa isa’t isa.


May isang lalaking mas karapat-dapat para sa kanya na dumating sa tamang panahon at ito nga ang dating senador na si Chiz na mas malawak ang kaalaman sa buhay at good influence kay Heart.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page