Kahit ‘inunggoy’ na ni Sen. peter Cayetano sa P10k ayuda, Sen. Pia iboboto pa rin ng taumbayan
- BULGAR
- Jun 16, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 16, 2023
MAMAMAYAN ANG TALO KAPAG NANALO SA 2025 SENATORIAL ELECTIONS ANG MGA KURAKOT, ABUSADO AT TRAPO -- Kung totoo man ang latest survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) patungkol sa 12 senatoriables na posibleng manalo sa 2025 midterm election, ang talo dito ay ang mamamayang Pinoy.
Karamihan kasi sa mga posibleng manalo sa pagkasenador sa 2025 elections ay mga may bahid ng korupsiyon, abusado sa power at mga traditional politicians (trapo) na nagtataguyod ng political dynasty, buset!
◘◘◘
INUNGGOY NA NGA NI SEN. ALAN CAYETANO SA P10K AYUDA ANG MAMAMAYAN, IBOBOTO PA RIN ANG ATE NIYANG SI RE-ELECTIONIST SEN. PIA CAYETANO -- Sa survey na ito ng SWS patungkol sa 12 senatoriables na posibleng mananalo sa 2025 elections ay nag-rank number 3 ang ate ni Sen. Alan Peter Cayetano na si re-electionist Sen. Pia Cayetano.
Mantakin n’yo, hindi na nga natupad ang campaign promise ni Sen. Alan Cayetano na P10K ayuda sa bawat pamilyang Pinoy, na dapat sana ay i-reject ng mga botante sa eleksyon ang mga kandidatong Cayetano, tapos sa survey ng SWS ay iboboto pa palang muli ng majority bobo-tante ang ate ng nang-unggoy sa P10K ayuda, boom!
◘◘◘
KAPAG MGA TRAPO ANG INILUKLOK, WALANG PAKI ANG MGA ‘YAN SA MGA PAHIRAP NA POLISIYA NG MARCOS ADMIN -- Ang taas na ng presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos inaprub pa ng Marcos administration ang dagdag P7 tollway fee hike sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ang nakalulungkot, dedma lang ang majority senators and congressmen sa mga isyung ito.
‘Yan ang hindi kagandahan kapag mga trapo ang iniluluklok sa puwesto ng mga bobo-tante, kasi ang mga trapo ay walang "paki" sa mga pahirap na polisiya ng Marcos administration na nagpapahirap sa mamamayan, period!
◘◘◘
ANG SUNUD-SUNOD NA PAHIRAP SA MAMAMAYAN PATUNAY NA FAKE NEWS LANG ANG KUMALAT SA SOCIAL MEDIA NOON NA GAGANDA ANG BUHAY NG MGA PINOY SA BBM-SARA TANDEM -- Sa interview ay umuusok sa galit ang mga motoristang dumaraan sa NLEX kaugnay sa P7 toll fee hike kasi ang taas na nga naman ng presyo ng mga bilihin at bayarin, at kamakailan lang ay nagtaas din ang presyo ng mga produktong petrolyo at LPG, tapos nadagdag pa sa dagok ng mamamayan ang toll fee hike.
Ang mga sunud-sunod na pahirap na ‘yan sa mamamayan ang patunay na fake news lang ng mga loyalists at Duterte Diehard Supporters (DDS) ang ikinalat nila sa social media na gaganda na ang pamumuhay ng mga Pinoy kapag naging presidente si Bongbong Marcos (BBM) at kapag naging bise presidente si Sara Duterte-Carpio, boom!





Comments