ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 27, 2024
Totoong sakalam si Alex Gonzaga!
Sa kabila ng mga personal na pagsubok at kaliwa’t kanang chismis, nananatili siyang kalmado at graceful habang todo-pokus sa kanyang motherhood journey.
Sa isang panayam, ibinahagi ng aktres-internet superstar at isa sa mga reyna ng mga celebrity vloggers sa bansa, na mas handa na ngayon ang kanyang katawan para magbuntis matapos ang ilang failed pregnancies, kasama ang kanyang super-bait at guwapong asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada.
Sa kanyang reproductive journey, muling sumalang si Alex sa in vitro fertilization (IVF) at lymphocyte immunization therapy (LIT). Nadiskubre niyang may problema sa kanyang thyroglobulin, isang protein mula sa thyroid gland, na naging hadlang sa kanyang pagbubuntis.
Pero dahil sa suporta ni Mikee, doktor, at kanyang pamilya, natagpuan nila ang sagot.
“I tried IVF. Before, I was doing LIT, it’s a blood transfusion method where it can be seen whether a woman’s reproductive immunity is high… I have difficulty being pregnant and it could be because of that,” paliwanag ni Alex.
At heto na ang chika, “By God’s grace, my last test yielded positive results so I can get pregnant any time. Right now, it’s positive, it’s 60% okay, so that could be any time,” ani Alex, habang todo-positibo sa mga susunod na kabanata ng kanyang buhay.
Dedma na lang si Alex sa mga negatibong publicity at bashing na idinadawit ang pangalan niya. Kasama rito ang isyung inungkat ni JC de Vera na na-offend daw siya sa pagkuwestiyon noon ni Alex kung original ba ang suot niyang shades.
Ani Alex, “Lahat ng ‘yan ay nasa nakaraan na. Hindi na ako tumitingin pabalik sa mga bagay na magbibigay ng stress sa ‘kin.”
Inuuna na niya ang kalusugan at peace of mind.
“Priority ko ang pamilya ko, ang career ko, at ang mga totoong kaibigan ko. Hindi ko na iniintindi ang mga intriga,” dagdag pa niya.
Kahit may mga bumabatikos, hindi natitinag si Alex bilang isa sa pinakamatatag na celebrity vloggers ng bansa.
Ang kanyang YouTube (YT) channel na may millions of subscribers, ay patuloy na nangunguna sa views at engagement. Pati na rin ang kanyang iba't ibang social media platforms na binabaha ng suporta mula sa mga loyal fans niya.
“Grateful talaga ako sa mga sumusuporta sa ‘kin. Hindi ko ‘to maaabot kung wala sila,” ani Alex, sabay flying kiss.
At siyempre, hindi mawawala ang pasasalamat niya kay Mommy Pinty, na itinuturing niyang ‘bestie-manager-extraordinaire’.
“Thankful ako nang sobra-sobra sa lahat ng pagmamahal at inspirasyon na ibinibigay sa ‘kin ni Mommy Pinty. Isa s’yang Superwoman ng buhay ko,” dagdag ni Alex.
Pinanindigan din ni Alex ang pagiging “health and peace” advocate. Bukod sa kanyang mga medical procedures, nagbago siya ng lifestyle.
“Girl, hindi ko na keri ang toxic—literal at metaphorical! Health is wealth, kaya push ang herbal tea at ‘zen-zens’ sa buhay,” ani Alex, na tila may sariling hashtag na
Matapos ang miscarriages noong 2021 at 2023, naghahanda na si Alex para muling subukan ang pagbubuntis sa Pebrero, 2025 (in time for Valentine's Day?). Todo ang determinasyon niya para makamit ang pangarap na maging ina.
“Sabi ko, baklaan lang, laban lang! Every woman deserves to fight for her dream of being a mother,” paandar ni Alex, na tila ipinapakita ang tunay na lakas ng modern Filipina.
Sa kabila ng mga hamon, patuloy na nagniningning si Alex Gonzaga. Hindi lang siya aktres, singer, comedienne o influencer, kundi isang simbolo ng lakas, tiyaga at pag-asa.
“Talbog ang negativity, Sis! Lahat ng laban, keri basta kasama si Lord!”
“I’m hopeful. Everything happens in God’s perfect time,” pagtatapos niya, habang lumalaban nang bonggang-bongga!
‘Yun na! Ambooolancia!
Si Alex Gonzaga lang ang totoong SAKALAM! #Talbog ang lahat sa kanyang success at determination! #AlexTheSakalam #BuntisGoals #ChikaLangLabanLang
Comments