Kahit fully vaccinated na... 12 madre sa Carmelite Monastery sa Rizal, positibo sa COVID-19
- BULGAR

- Sep 25, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 25, 2021

Nasa 12 mga madre mula sa kabuuang 18 sa kanila na naninirahan sa Carmelite Monastery sa bayan ng Tanay, Rizal province, ang nagpositibo sa test sa COVID-19.
Inianunsiyo ito ng mga sister sa pamamagitan ng kanilang official Facebook account.
“We are fully vaccinated, except one Sister who is still taking chemo tabs,” pahayag ng mga madre.
“At present, we are considered as mild cases and symptomatic,” dagdag nila.
Tinayak naman ng mga sisters sa kanilang mga kaibigan na nasa mabuti silang kalagayan.
“Do not worry about us... we are hoping to recover and whatever happens, someday we will praise Him together in the Kingdom of Light and say with Mary, ‘the Almighty has done great things for me, and holy is His name.’ We love you all!”
Patuloy naman ang mga madre sa kanilang mga panalangin partikular na doon sa mga labis na nangangailangan ng dasal para sa kanilang mga mahal sa buhay at sa mga dumaranas din ng sakit na COVID-19.
“At this time of pandemic, we are offering prayers for you,” ani pa ng mga madre.
Matatandaang nai-report na nasa siyam na miyembro ng Religious of the Virgin Mary (RVM) congregation ang nasawi sanhi ng COVID-19 habang ang kumbento na nasa Quezon City ay kasalukuyang naka-lockdown.








Comments