Kahit ex-BF na, 'di itinapon… BIGAY NI ZANJOE, NAKADISPLEY PA RIN SA BAHAY NI BEA
- BULGAR

- Oct 1, 2020
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 1, 2020

Kahit matagal na silang break, nananatili pa rin sa bahay ni Bea Alonzo ang art piece na regalo ng ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Ipinaliwanag niya ito sa recent house tour na ginawa niya para sa kanyang YouTube vlog.
Habang ipinapakita ang art piece na nasa center table niya ay sinabi ni Bea na gustung-gusto niya raw ito at inaming bigay ni Zanjoe.
“Siyempre, when we broke up, I was wondering kung dapat ba, tinatanggal ‘yung mga bagay na meron ka from your ex. But I just really find this so beautiful and it reminds me of our good memories and so I thought why not keep it? So, I kept it and it’s really nice,” pagbabahagi ni Bea.
Sa nasabing house tour ay kapansin-pansin na mahilig talaga sa mga antiques and arts si Bea dahil maraming painting and art pieces sa bahay niya at komento nga ng isang netizen, parang museum na raw.





Comments