top of page

Kahit 'di pa parehong annulled… RAYMART, INAMIN NA ANG RELASYON NILA NI JODI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 2, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 2, 2020




Maraming ginulat sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria na magkarelasyon na pala sila, na kung hindi pa nabasa ang Instagram post ng talent manager at MMDA spokesperson na si Noel Ferrer ay hindi pa malalaman ng lahat.


Kilalang tahimik na tao si Raymart at hindi siya open pagdating sa kanyang love life at ganu'n din si Jodi na ang huling nakarelasyon ay ang bise-gobernador ng Cavite na may asawa na ngayon, si Jolo Revilla.


“Kaya nakagugulat, 'di ba, kasi malihim si Raymart, at least, inamin niya,” say ng kaibigan nina Jodi at Raymart.


Tinanong namin kung saan at paano nagsimula ang dalawa, “Walang nakakaalam kasi pareho silang malihim, pero may nagkuwento na first quarter of this year (2020) pa sila.”


Wala kasing dahilan para magkalapit sina Raymart at Jodi dahil hindi naman sila nagkatrabaho pa o nagkasama sa project.


“Same circle of friends siguro o Dreamscape gatherings, hindi naman malayo dahil madalas namang magkaroon ng events ang unit ni Deo (Endrinal-TV executive) at invited lahat ang artista niya sa mga programang ipino-produce niya,” tsika sa amin.


Maraming boto kina Jodi at Raymart kasama na kami dahil kahit hindi kami malapit sa aktor ay marami kaming nababasa at naririnig na magagandang kuwento tungkol sa kanya na kahit hiwalay na sila ng ex-wife niyang si Claudine Barretto ay magkaibigan pa rin sila at co-parenting sila sa dalawang anak nilang sina Sabina at Santino.


Si Jodi naman ay maganda rin ang relasyon sa ex-husband niyang si Pampi Lacson kasama na ang bago nitong karelasyon na si Iwa Moto, na magiging dalawa na ang anak.


Kuwento nga ni Jodi, kapag may trabaho siya ay nasa tatay ang anak na si Thirdy bilang co-parenting din sila.


Base sa pagkakaalam namin ay hindi pa annulled ang mga kasal nina Raymart at Jodi sa kanilang respective spouses.


At pakiramdam din namin, kaya lantaran na rin ang dalawa sa kanilang relasyon ay gusto na nila itong mag-level-up.


Samantala, ang larawang kumalat sa social media ay kuha sa isang eksklusibong lugar sa Ayala, Alabang kung saan may isineselebra ang dalawa base sa tsika sa amin ng aming source.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page