top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit 'di gusto, napilitan dahil sa hirap… JULIA, AMINADONG GINAWA ANG LAHAT MAGKAPERA LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 24, 2021




Bata pa lang ay breadwinner na ng pamilya si Julia Montes kaya maaga raw siyang naging seryoso sa buhay. Pero ngayon daw ay natuto na siyang i-enjoy ang buhay. Ito ang ibinahagi niya sa vlog ng kaibigan niyang si Dimples Romana.


“Ever since seryoso talaga ako. Recently lang ako naging fun. Kasi siguro, natuto na ako na i-enjoy ang life,” aniya.


Dati raw ay talagang sinasabi ng lola niya ang mga kailangan niyang gawin.


"Kasi before open talaga si Lola na sinasabi sa akin na ‘Kapag 'di mo ito ginawa, wala tayong ganito, pambayad natin ito sa ganito, so kailangang gawin mo ito.’ Kasi before, sobrang mahiyain ako,” aniya.


Pero dahil nga sa maaga siyang nagtrabaho, maaga rin niyang nakita ang kahalagahan ng pera especially kapag pinaghirapan talaga.


"Alam ko, lagi na itong sinasabi kapag nagtatrabaho na ang isang tao or minsan kapag bata ka, maririnig mo 'Naku, kapag lumaki ka na, kapag nagtrabaho ka na, maiintindihan mo kami.'


“Pero totoo siya. Minsan, kahit alam mo na 'yun, nakakalimutan mo ang worth ng money kasi nae-excite ka.


“Pero ang totoong meaning ng money, especially now na nagka-pandemic, lalo mong pinahalagahan 'yung every centavo na ine-earn mo... May importansiya siya at hindi lahat ng tao ay blessed na nabibigyan ng opportunity or job lalo ngayong pandemic," she said.


And because of the pandemic, lalo pang lumawak ang realization ni Julia tungkol sa buhay.


Aniya, ‘yung gumising lang daw araw-araw na walang sakit ay isang blessing na.


"Hindi kasi minsan maiiwasan na nalulungkot tayo, nadadala tayo ng negative na nangyayari. Pero one blessing for me na nangyari dahil sa pandemic ay nakita ko ang simpleng bagay na madalas nakakalimutan nating mga tao. 'Yun 'yung gigising ka sa umaga na wala kang sakit. Gigising ka sa umaga na 'yung pamilya mo ay kasama mo.


“'Yun ang pinanghawakan ko na bakit ko titingnan 'yung magiging cause ng anxiety ko, ng lungkot ko, kung mayroon naman akong kakapitan which is 'yung family ko?


“At the end of the day, doon mo mari-realize na 'yung love mo with your family, your loved ones, 'yun ang magiging strength mo para malagpasan ang problems, kahit anong problems 'yan. Sila ang magiging anchor mo,” pahayag ni Julia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page