top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit dalawang dekada pa ang agwat… Bebot, swak sa bf na biyudo kaya sure na liligaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | November 3, 2023


Dear Maestro,


May boyfriend akong biyudo, inaaya niya na ako ngayon na magpakasal. Pero, nag-aalinlangan ako sa age gap namin, 23 years old palang kasi ako habang siya naman ay 51 years old na.


Ayon sa nanay ko, wala naman daw problema pagdating sa edad, dahil mabait at matagal na nila itong kilala. Ang problema lang ay may dalawa siyang anak sa una niyang asawa, pero malalaki na rin sila.


Mahirap lang kami at walang kabuhayan, pero itong biyudong boyfriend ko ay may kaya sa buhay at medyo mayaman, kaya gustung-gusto siya ng mga magulang at kapatid ko.


Maestro, kung sakaling pumayag ako na magpakasal sa kanya, magiging maligaya kaya ako kahit na malayo ang agwat ng aming edad?


Ang birthday niya ay February 27, 1972 habang ako naman ay March 14, 2000.

Umaasa,

Princess ng Pajo, Alfonso, Cavite

Dear Princess,


Kung mahal mo naman kahit papaano ang boyfriend mong mas matanda sa iyo, ngayon na ang pagkakataon mo para makaahon sa kahirapan kung sakaling papayag kang magpakasal sa kanya.


Hindi lang ang sarili mo ang maiaahon mo sa kahirapan, kundi pati na rin ang iyong magulang, kapatid at buo n’yong pamilya.


Dagdag pa rito, Princess, tunay ngang wala namang masama kung magpapakasal ka sa kanya, dahil alam naman nating lahat na ang isang biyudo ay wala ng pananagutan sa buhay at masasabi namang binata na.


Habang sa parte mo naman, puwede ka na rin mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya, lalo na’t pinapayagan ka na ng kapatid at magulang mo.


Kaya, kung mahal mo naman ang boyfriend mo, tulad ng nasabi na, kahit halos dalawang dekada pa ang agwat ng inyong edad, walang masama sa sitwasyong nabanggit. Ang higit na mas mahalaga ay ang materyal na bagay, future, at siyempre hindi rin dapat alisin ang sitwasyong paulit-ulit na nating tinukoy sa itaas, kung tunay n’yong mahal ang isa’t isa, walang masama sa gagawin n’yo.


Dagdag pa rito, sa totoo lang wala namang kaugnayan ang edad sa dalawang pusong nagmamahalan, kaya tulad ng nasabi na, kung mahal mo naman ang boyfriend mong biyudo, i-push mo na ‘yan at pakasalan mo siya para kapwa kayo’y lumigaya.


Ang nakakatuwa pa rito, nagkataong tugma o compatible naman ang zodiac sign mong Pisces at Pisces din siya, kung saan kapwa pinaghaharian ng elementong tubig o water ang zodiac sign n’yo, kaya masasabing tugma at compatible talaga kayo.


Gayundin ang birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) ito ay tanda na yayaman ka sa pag-aasawa na nagkataong tugma rin sa birth date niyang 27 o 9 (ang 27 ay 2+7=9) na nakatakda namang makapag-asawa ng mas bata kaysa sa kanya.


Ibig sabihin, bukod sa tugma at compatible kayo sa Astrology, tugma at compatible rin kayo sa Numerology at masasabing sadyang tinadhana nga kayo, kaya hindi mo na siya dapat pakawalan pa.


Kung papakasalan mo ang boyfriend mong biyudo, wala ka na dapat ikabahala at ipag-alala dahil ‘pag kayo ang nagkatuluyan, tiyak na ang magaganap – isang maunlad, maligaya at masaganang pagpapamilya habambuhay ang nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2024 sa edad mong 24 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page