Kahit 4 mos. pa lang magdyowa… DIEGO, IPINAGSIGAWANG SI BARBIE NA ANG PAKAKASALAN
- BULGAR
- Apr 11, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 10, 2021

Maaga pa para sabihing didiretso na nga sa altar ang apat na buwang relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, pero nakakabilib ang aktor na ipinagsisigawang si Barbie na nga ang 'the one' sa kanyang buhay at puso.
Bubot pa man ang pundasyon ng kanilang pag-iibigan, hinog naman ang pagsasabi ng aktor na si Barbie na ang gusto niyang makasama sa habambuhay, at bumuo ng sarili nilang pamilya. Naniniwala kasi ang binatang aktor na sa kasalan din mapupunta ang pag-iibigan nila ng Kapamilya star.
Bagama't naniniwala si Diego sa long engagement bago sila lumagay sa tahimik o magpakasal, ayon sa bida ng Encounter, case-to-case basis lamang daw ito.
“Oo naman, okey ang long engagement, pero puwede rin naman na hindi. Depende 'yun sa inyo kung gaano kayo magklik kaagad, 'yung nagkakaintindihan na talaga, na on the same page na talaga kayong dalawa,” bulalas ng aktor nang matanong tungkol sa long engagement.
“Kasi 'yung pupuntahan n'yo eventually is marriage, have a family, have kids. So, ganu'n ko siya tinitingnan with Barbie, and ganu'n din naman niya tinitingnan with me. We understand each other. And not every day is a good day but just like any other relationship, we understand each other even more on bad days. So it’s not a secret but it’s easier said than done,” pahayag ng binata.
Sinisigurado ni Diego na si Barbie na ang kanyang “the one”, ang kanyang pakakasalan.
“Oo, sa nakikita ko!” mariin niyang sabi.
Understanding o pang-unawa ng isa't isa umano ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan.
"Para sa akin kasi, 'yung love or being in a relationship, it’s a never ending compromise.
“You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit—isa kayo. So siyempre, meron kayong mga differences, meron kayong mga hindi pagkakasunduan. Pero marami rin kayong mga likes sa isa’t isa, so there’s no secret to it. It’s work. It’s like any relationship naman, even friendships ganu'n din,” paliwanag ng aktor.
Samantala, patok sa panlasa ng karamihan ang seryeng Encounter na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Cristine Reyes na mapapanood sa TV5 tuwing Sabado, 8 PM.
Bilang sina Gino at Selene sa Koreanovela adaptation, malakas ang chemistry ng dalawa na ayon pa sa isang viewer na si Jojo V, "Worth waiting. Maaga kasi akong natutulog dahil sa maagang trabaho and yet, naglaan ako ng oras para sa Encounter."
Sa comments section naman na ipinost ng TV5 about Encounter, ani Divyne Chui, "Ang ganda ng pilot episode, sana weekdays na lang ipapalabas."
In fairness, maraming naka-miss kay Diego lalo na't nasa tamang pangangatawan ito sa ngayon.
"Yummy! Oozing with sex appeal!" komento ni Jomy C. ng Sta. Barbara, San Mateo.
Kaya naman maraming gustong 'kulamin' si Barbie dahil siya ang nakabakod ngayon sa anak ni Teresa Loyzaga (courtesy ng aktor na si Cesar Montano).








Comments