Kahit 31-anyos na… JESSY, 5 PA ANG GUSTONG MAGING ANAK NILA NI LUIS

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 6, 2024

Sa edad na 31 ni Jessy Mendiola, nais pa niyang sundan si Baby Peanut na anak nila ng TV host-vlogger na si Luis Manzano dahil unti-unting na-realize ng aktres na puwede na uli silang magka-baby since lumalaki na ang kanilang panganay.
Sa kabila ng matinding hirap at sakripisyo niya bilang first-time mom kay Baby Peanut, gusto pa rin niyang magkaroon ng lima pang anak sa asawang si Luis.
Ayon sa aktres, “Struggle is real,” pero worth it naman ang lahat ng naranasan niyang challenges noong kanyang pregnancy journey kay Isabella Rose a.k.a. Baby Peanut.
Ani Jessy sa isang panayam, “Sana. Gusto ko nga po, lima. Sana kaya ko sunud-sunod. Pero siyempre po, may mga seasons tayo in life. So I’m prioritizing this season right now na ang daming blessings."
Ayon pa kay Jessy, gustung-gusto niyang magkaroon ng maraming anak.
Pero paglilinaw ng wifey ni Luis ay “Maybe soon, but not right now” dahil kailangan din itong bigyan ng time.
Samantala, nagkaroon naman ng espekulasyon kung papayag si Luis kung sakaling mag-artista si Peanut.
“Feeling ko, magiging strict na stage dad ako,” sagot ni Luis sa isang interview.
Ngayon, maaaring mapanood muna si Luis sa TV show na I Can See Your Voice kung saan sikat ang kanyang tagline na “I love you how-how, I love you Peanut."





Comments