top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kagagaling lang sa COVID ni P-BBM, gagala agad sa japan, grabe?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2023
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 12, 2023


HILIG TALAGA NI P-BBM BUMIYAHE, KASI KAGAGALING LANG NIYA SA SAKIT, GAGALA AGAD SA JAPAN -- Magaling na si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa COVID-19 na tumama sa kanya, at dahil magaling na nga, inanunsyo ng Malacañang na sa Dec. 15, 2023 ay bibiyahe ang Presidente patungong Japan para raw i-follow-up ang pangakong investment sa Pilipinas ng mga Japanese investor.

 

Talagang ang hilig ni P-BBM sa biyahe, kasi kagagaling lang niya sa sakit na COVID-19, eh ang nasa isip gumala na naman, boom!

◘◘◘

 

PALAYASIN NA SA ‘PINAS ANG AMBASSADOR NG CHINA -- Sa huling insidente ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), dapat ay iparamdam na ng Philippine gov’t.  ang galit sa China.

 

Dapat ay palayasin na ng Marcos administration sa Pilipinas ang ambassador ng China, period!

◘◘◘

 

10 TOP PERFORMER CONGRESSMEN, MGA TRAPO -- Nitong nakalipas na Dec. 1, 2023 ay 10 kongresista ang isinapubliko ng isang foundation bilang mga top performer congressmen daw sa kanilang mga distrito.

 

Ito na ang siste, nang tingnan natin ang pangalan ng 10 kongresistang ito na mga top performer daw, aba’y lahat pala sila ay mga trapo (traditional politicians). 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page