'Kadaldalan' ni Kris Aquino, maririnig na ulit
- BULGAR

- Jul 30, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | July 30, 2020

Nag-post si talk show host at entertainmenf writer Manay Lolit Solis sa kanyang IG stories ng update tungkol sa upcoming show ng baby niyang si Queen of All Media Kris Aquino sa TV 5.
Ito ang magiging TV comeback ng 49-year-old actress matapos ang napakahabang pahinga sa showbiz mula noong 2016.
“Happy naman ako na nag pictorial na si Kris Aquino para sa show niya sa TV5 Salve. Medyo naudlot lang sa projected na araw ng launching, pero heto , may assurance na malapit na talaga mapanuod. Dahil nga siguro sa new normal, halos lahat ng naririnig ko parang mga talk shows ang balak gawin. Meron sila Pauleen Luna, Pokwang at Ria Atayde , meron pang sinasabi na pagsasamahin mga SOTTO ladies na sila Danica, Kristine at baka si Pauleen uli. Gusto din ni Jinggoy Estrada ng talk show. Siguro dahil less ang tao na involve pag talk show, kaya ito ang madaling maisip na show. Pero tanggapin natin na pagdating sa ganitong format wala tatalo kay Kris Aquino dahil likas na talker, at talagang inquisitive kaya bagay na bagay ang talk show sa kanya. Marami ang natutuwa dahil heto nga at sasabak uli sa TV si Kris, at bagong bahay sa kanya ang TV5, kaya bago lahat at baka ibang Kris Aquino na naman ang mapanuod natin. Welcome back Kris, Fighting !!!” post ni Manay Lolit.
Sabi ni Manay Lolit, bukod kay Kris marami pang celebrities na magkakaroon din ng talk show sa Kapatid Network since heto ang uso ngayon.
Pero siyempre, sabi nga ni Nay Lolit wala pa ring dadaig kay Kris pagdating sa ganitong genre dahil "likas na talker, at talagang inquisitive."





Comments