top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kabilang ang ilang nagbibigay ng SAP… Ilang empleyado ng DSWD, nagpositibo sa COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 15, 2020




Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa 150 ang kanilang empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

Saad ni DSWD Director and Spokesperson Irene Dumlao, "Nakakalungkot nga po at marami na rin tayong mga kawani na naapektuhan ng COVID-19. Bagamat patuloy pa rin ang isinasagawa nating pagbigay ng ayuda, gayun din po ang ibang serbisyo at programa ng DSWD.”

Ayon kay Dumlao, 57 sa mga ito ay gumaling na at "the rest, active cases sila at patuloy na binabantayan at binibigyan ng tulong."

Aniya pa, "'Yung mga kawani natin na nag-test positive sa COVID-19 ay kinabibilangan ng nagpapahatid ng social amelioration program, gayon din po 'yung mga kawani nating tumutulong sa pag-assess sa mga kliyente na humihingi ng assistance sa crisis situation, gayon din sa mga humaligi sa pagtugon sa pangangailangan ng locally stranded individuals.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page