top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kabataan, wasak ang kinabukasan dahil sa talamak na porn videos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Marso 15, 2024


Tumaas na naman ang bilang ng mga kabataang nabubuntis, sila ‘yung mga nasa sampu hanggang katorse.

 

Ayon sa Commission on Population Development, tumaas ang kaso ng teenage pregnancy nitong 2022 kumpara noong 2021 na panahon pa ng pandemya.

 

Batay sa talaan ng Philippine Statistics Authority, umabot ng 150,000 ang kaso ng maagang pagbubuntis nitong 2022 kumpara sa 130,000 noong 2021. Dahil dito, isa umano ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan.

 

Ang tinukoy na isa sa mga dahilan ay ang pagiging lantad ng mga kabataan sa porn sites at madalas na pagbabad sa internet. Mataas umano ang exposure ng mga kabataan sa pornograpiya lalo na noong 2021.

 

Kaya ang paalala sa mga magulang, bantayan ang mga anak at tingnan o alamin ang mga binubuksang websites ng mga ito.

 

Isa pa sa kailangang gawin partikular ng ating gobyerno, magpatupad ng mga hakbang o bumuo ng mga programa para sa mga kabataan upang mailihis ang kanilang atensyon sa pagbubuntis.

 

Gabayan natin ang mga kabataan sa landas na magiging mas maayos ang kanilang kinabukasan.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page