JULIANA, FENCER NA TAGA-ATENEO ANG BF, SWEET PHOTOS KUMALAT

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 2, 2021

Legal nang magkaroon ng boyfriend ang nag-iisang anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at 4th District of Leyte Representative Lucy Torres-Gomez na si Juliana Torres-Gomez dahil 21 years old na siya sa Setyembre 8.
Ang tanong ay alam kaya nina Goma at Lucy na may kasintahan na ang unica hija nila by the name of Miggy Bonnevie Bautista na isang fencer at kasama sa Philippine Fencing Team?
Kaya namin naitanong kung alam ito ng mag-asawa ay dahil walang ipino-post si Juliana sa kanyang Instagram account o iba pang social media platform, pero si Miggy ay nag-post ng sweet moments nila ng dalaga nitong weekend.
Actually, may nauna nang post ang binata noong Disyembre, 2020 na isinelebra nila ang holidays dahil pareho silang uminom ng red wine na kung hindi kami nagkakamali ay kuha ito sa bahay ng dalaga.
Going back sa kaka-post lang na larawan ni Miggy ay blurred ang unang photo na magkatabi sila sa upuan ni Juliana. Sa ikalawa ay humalik ang una sa kanang braso ni Juliana. At sa ikatlo ay ang nag-uusap nang masinsinan ang dalawa habang nakasandal ang dalaga sa sofa kung saan nakalagay ang kaliwang kamay ng binata sa sandalan.
Walang inilagay na caption si Miggy sa mga larawan pero si Juliana ay heart emoji ang naging komento at sinagot ito ng una ng kissing emoji.
Basta ang sigurado kami, kilala ng mag-asawang Richard at Lucy si Miggy dahil fencer ito na nakakasama ni Juliana sa training, bukod pa sa nagsasabi ang anak sa magulang niya ng mga nangyayari sa buhay niya.
Anyway, bagay naman sina Miggy at Juliana dahil iisa ang gusto nilang sports at posibleng magkatulungan sila rito kapag nag-decide rin ang dalaga na sumali sa Philippine team.
Sa Ateneo de Manila University nag-aaral ang binata samantalang ang dalaga ay wala kaming nakitang impormasyon.
Nag-uwi ng bronze medal si Miggy nang sumali siya sa U17 division ng National Swiss Cadet Competition noong 2018 sa Fribourg, Switzerland at sa parehong taon ay nakakuha ng gold medal sa individual Juniors epee competition ang binata.





Comments