Judge sa Century Tuna Superbods 2024… MARIAN, PINAG-INGLES NG CONTESTANT SA TANONG, NAIRITA
- BULGAR
- Jul 11, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| July 11, 2024

Mukhang nairita si Marian Rivera nang tanungin niya ang isang male contestant sa Century Tuna Superbods 2024 competition in Tagalog language.
Umapela kasi ang male contestant na si Jether Palomo na inglesin daw ni Marian ang tanong dahil tila hindi ito masyadong nakakaintindi ng Tagalog
Ang tila nairita ngang sabi ng misis ni Dingdong Dantes, “I will try my best, listen very carefully. Your social media following grew when you became a finalist, how will you use this opportunity even after your Superbod journey?”
Sagot ng contestant, “I grew this platform showing that you can be authentically in you showing who you are as a person. I’ve been one to ruin myself image and ultimately I fell apart but those pieces didn’t fall apart, they only fell into place. Now, I want to be able to use that platform to continue to inspire others on their fitness journey on becoming their best you ever.”
Lagi kasing naba-bash ang aktres kapag siya ay nagsasalita ng English pero nasabi na nito noon na ang pagsasalita ng wikang Ingles ay hindi batayan ng pagiging matalino.
Samantala, si Jether ay tinanghal na Grand Winner sa Century Tuna Superbods with Justine Felizarta.
Sina Robi Domingo at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang mga hosts ng event.
Aside from Marian, ang ibang judges ay sina Aga Muhlach, Leyte 4th District Rep. Richard Gomez at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
AGAW-EKSENA si Kathryn Bernardo sa performance niya sa Superbods 2024 Finals Night. Naging usap-usapan siya sa kanyang sexy dance number na minsan na rin niyang ginawa nu’ng Christmas Special ng ABS-CBN.
Endorser si Kath ng Century Tuna ngayong taon na may temang ‘Best You Ever’. Napa-wow ang audience sa aktres dahil sa sexy dance number niya.
“Bravo Kathryn! More dance numbers pa po.”
“Galing mo, Kath. Actress/performer ka talaga.”
“Ang husay! Deserve mo maging endorser ng Century Tuna Superbods.”
“That’s our girl! Excellent performance.”
“Ang husay! Deserve mo maging endorser ng Century Tuna Superbods.”
Bukod dito, marami na ang excited sa sequel ng pelikula nila ni Alden Richards na Hello, Love, Again.
Matatandaang ang Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn ay minsan nang naging
highest grossing film sa bansa, bago pa man ito napalitan ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
NAG-REACT si Lea Salonga sa isang statement ng all-girl Pinoy Pop group BINI member na si Aiah Arceta.
Ang post ng singer ay tungkol sa nangyari sa isang bar sa Cebu nang may makakilala kay Aiah at naglapitan ang mga tao para magpakuha sa kanya ng piktyur. Nag-alala si Aiah na baka i-post pa ang kanyang real-time location.
Pag-amin niya, this made her feel uncomfortable and invaded her privacy.
Pagkaklaro pa ni Aiah, gustung-gusto niyang makipag-picture sa mga fans, pero dapat na respetuhin daw ang personal space ng kung sino man.
Agad na nag-viral ang post ng singer at pinag-usapan sa social media.
Kaya ang pahayag niyang ito ay nakakuha ng reaksiyon at komento mula sa ibang artista. Isa na rito si Lea Salonga, na sumasang-ayon sa sinabi ni Aiah.
Ini-repost ng Broadway singer-actress sa kanyang Instagram (IG) ang coverage ng Rappler sa statement ni Aiah at dinagdagan niya ito ng sarili niyang caption.
Sey ni Lea sa post, “Yes to setting boundaries.”
Well, na-encounter na rin kaya ng iba pang members ng BINI na sina Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, and Sheena ang istorbohin ng fans during their personal time?
Comments