JRU at San Beda wagi agad sa NSAC World Invt'l
- BULGAR

- Aug 14
- 2 min read
by KyleShereen Bago (OJT) @Sports News | August 14, 2026

Photo: Walang takot na sumagasa ng layup basket si Christopher Gerald Hubilla ng JRU Jose Rizal University Heavy Bombers sa matinding depensa ng katunggaling si Leigh Rickwood-Pitt ng Elite Stacks Australia sa unang aksyon sa 2026 NSAC World Invitational basketball sa Philsport Arena, Pasig City. Nanaig ang Heavy Bombers kontra Stacks sa iskor na 71-66 Biyernes. (Reymundo Nillama)
Pasok na sa semifinals ang Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers at San Beda Red Lions matapos silang magwagi sa NSAC World Invitational ngayong Agosto 14. Unang nagpakita ng panalo ang JRU Heavy Bombers matapos talunin ang Elite Stacks Australia sa iskor na 77-66.
Dikdikan ang naging laban ng dalawang koponan ngunit nanatiling matatag ang JRU sa opensa at depensa hanggang sa makuha ang 11-puntos na panalo. Nanguna para sa Heavy Bombers si Lawrence Mangubat na nagtala ng 22 puntos at kinilala bilang Player of the Game.
Malaki ang naging ambag niya sa buong laro kabilang ang isang highlight play kung saan sa ilang minuto bago matapos ang laro ay naka-iskor siya ng 2 points na sinundan agad niya ng 3 points shot na nagpanalo sa kanila.
Sumunod sa semifinals ang San Beda Red Lions matapos talunin ang NFU Tigers ng Taiwan sa iskor na 78-65. Maayos na laro ang ipinakita ng Red Lions mula simula hanggang dulo upang makuha ang 13-puntos na panalo.
Kinilala naman bilang Player of the Game si Aldous Torculas matapos magtala ng 15 puntos para sa San Beda. Naging malaking tulong ang kanyang mga puntos upang mapanatili ng Red Lions ang lamang sa buong laro.
Dahil parehong nakapasok sa semifinals ang JRU at San Beda, posibleng maulit ang kanilang paghaharap sa FilOil EcoOil Preseason Cup. Matatandaang nagharap ang dalawang koponan sa finals ng naturang tournament kung saan nagwagi ang JRU Heavy Bombers.
Kapwa bitbit ng JRU at San Beda ang kanilang panalo at kumpiyansang sila ang maglaban sa huli. Isang hakbang na lamang ang kailangan ng dalawang koponan para makapasok sa finals at magkaroon ng pagkakataong maiuwi ang titulo ng NSAC World Invitational Champion.





Comments