top of page

Journalist, ni-red-tagged.. Atom Araullo, nag-file ng P2M damage vs. Badoy at Celiz

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2023
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | September 12, 2023




Sinampahan ng reklamong Civil Liability sa Quezon City Regional Trial Court sina dating Undersecretary Lorraine Badoy at confessed ex-communist rebel Jeffrey Celiz ng broadcast journalist/TV host na si Alfonso Tomas "Atom" Araullo dahil sa pag-red-tagged sa kanya bilang kasapi ng teroristang grupo na New People’s Army (NPA).


Sa ginanap na pulong balitaan sa Quezon City kahapon, sinabi ni Araullo na bahagi umano ito ng malawakang panunupil sa malayang pamamahayag kaya’t binasag na niya ang katahimikan at nagpasya na manindigan dahil nangangamba siya sa kaligtasan ng kanyang pamilya.


Naniniwala si Araullo na kailangang managot ang malisyosong pamamahayag nang walang matibay na basehan na ipinapakalat nina Badoy at Celiz.


Si Badoy ay dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Binigyang-diin pa ni Araullo na ang naging epekto umano sa kanya ay emotional at psychological dahil maraming mga negatibong mga komento sa kanya sa mga social media hinggil sa naging pahayag ng dalawang inakusahan.


"Nu'ng una ‘di ko pinapansin, kilala naman ako ng mga tao, maayos naman ang aking reputasyon at aking track record subalit sa age of social media na ang disimpormasyon ay kumakalat ng napakabilis at ito na paulit-ulit na pagsisinungaling na ito ay mukhang pinaniniwalaan ng kanilang mga tagasunod ng kanilang mga programa na ‘di ako kilala,” paliwanag ni Araullo kayat nais niyang pananagutin ang dalawa.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page