Joshua, umayaw sumama sa kanila ni Bimby… KRIS, 2 1/2 BUWAN TITIRA SA TABING-DAGAT DAHIL SA SAKIT

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 2, 2021

Talagang mapipilitan si Kris Aquino na mahiwalay sa kanyang panganay na si Joshua dahil ang gusto ng anak niya ay manirahan sa Tarlac.
Ayon sa latest Instagram post ni Kris, niyaya raw niya si Josh na sumama sa kanila sa beach pero ayaw ng 25-anyos na anak.
“Wala na talagang balak umalis si Kuya sa “Alto” (that’s the compound of my mom’s family) and for me, kung saan siya pinaka-HAPPY, then full support ako...
“Our deal is everyday he needs to brisk walk or jog in the morning for at least 1 hour- and I can see he’s keeping his end of the bargain...
“Nagulat talaga ako, tumanggi to join us sa beach, FOREVER na raw siya in Tarlac. Kay Kuya Josh, may forever…” ang saad ni Kris.
Sa comments section, she explained kung bakit hindi siya puwedeng manirahan sa Tarlac para magsama-sama na lang silang mag-iina.
“My problem is because of my autoimmune I need the sea breeze... walang dagat sa Tarlac,” paliwanag ni Kris.
Naghanap na rin daw sila sa mga nearby provinces ng beachfront, pero wala silang makita.
“My very close friend @mylynpc namroblema rin kasi wala rin namang beach sa Pampanga. Tumingin kami sa Bataan- umatras ako kasi ang mahal na du'n sa development na gusto ko... Humanap na rin in Pangasinan... Obviously comfortable ako sa biyaheng NLEX-SCTEX-TPLEX..” aniya.
Bukod sa dagat, importante rin daw sa kanya ang malakas na signal ng internet.
“Nag-consider sa Puerto Galera kasi NAPAKABAIT ni Mayor Rocky & everyone we got to know, pero sorry kung weird- we need very strong WiFi because may scheduled FB postings to fulfill contract obligations & I’ll do a few shoots that will be very big files (mahaba na ‘to- care bears na kayo),” sey niya.
Hindi na sinabi ni Kris kung saan ba talaga sila titira at umaasa siyang may improvement na sa kanyang health sa loob ng 10 weeks nilang pananatili sa bagong tahanan.
“Anyway, in 2 weeks we’ll go and hopefully the 10 weeks (or so) of fresh sea air will strengthen my immunity and lessen my chronic urticaria.”





Comments