top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

JoshLia fans, galit na galit sa playboy na aktor…JULIA, NAGING MARUPOK KAYA BUMIGAY KAY GERALD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 19, 2021




Matapos mapanood ang music video ng kantang Paubaya ni Moira Dela Torre na muling pinagtambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia, hindi napigilan ng mga JoshLia fans ang matinding galit kay Gerald Anderson.


Si Gerald ang rumored boyfriend ngayon ni Julia ngunit hindi pa inaamin ng young actress ang kanilang relasyon.


Ang alam ng lahat ay si Gerald ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Julia at Joshua. Alam na alam naman ni Gerald na magkarelasyon ang dalawa pero sinulot at pumasok pa siya sa eksena.


Noong magkasama sina Julia at Gerald sa isang pelikula, sinamantala niya ang pagkakataon na mapalapit sa young actress at maagaw ito kay Joshua.


Mas may experience sa pakikipagrelasyon si Gerald dahil marami na siyang naging nobya. Alam na alam na niya kung ano ang kahinaan ng babae.


Dumating siya sa buhay ni Julia sa panahon na may pinagdaraanang malaking problema ang aktres. Natural na ma-fall sa kanya si Julia at naging mahina at marupok nga ang aktres kaya madaling bumigay kay Gerald.


Naging daan naman ang pagsasama nina Julia at Joshua sa Paubaya music video upang magkaroon ng closure ang kanilang paghihiwalay. Marami rin sa mga nakapanood ang labis na naantig sa kanilang paghingi ng tawad sa isa’t isa.


Well, hindi kaya nakaramdam man lang ng guilt si Gerald sa kanyang ginawang pang-aagaw sa GF ni Joshua?


At si Julia, kailan mauuntog at magigising sa katotohanan? Papaano siya nakakatiyak na seseryosohin nga siya ni Gerald at mapapaiba sa mga naging girlfriends ng playboy na aktor?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page