top of page

Jomari at Abby, ikinasal na sa LA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 6, 2023




Nagkaroon ng isang simpleng kasal na ginanap sa Little White Wedding Chapel sa Las Vegas sina Jomari Yllana at Abby Viduya nu'ng Nobyembre 5.


Ipinagdiwang sa kanilang kasal ang kanilang apat na taong pagmamahalan matapos magkahiwalay ng halos 40 taon.


Ilang mga importanteng tao sa buhay ng dalawa nga ang dumalo sa ginanap na kasal, at isa na rito ay ang anak ni Jomari na si Andrei Yllana.


Dating magkasintahan sina Jomari at Abby nu'ng dekada '90, nagkahiwalay at nakatagpo ng kani-kanyang asawa, hanggang sa muling pinagtagpo nu'ng taong 2019 at ngayon nga ay natuloy na sa kasalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page