top of page

John, naki-happy-happy sa mga Noranians… LOTLOT AT MGA UTOL, NO SHOW SA B-DAY CELEBRATION PARA KAY NORA SA EASTWOOD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 23
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 23, 2025



Photo: Lotlot de Leon - IG


Bonggang celebration ang ginawa ng mga Ka-Nora sa ika-72 kaarawan ni Superstar-cum National Artist Nora Aunor nito lang May 21, 2025 sa Eastwood Walk of Fame na inabot hanggang gabi.


Ito ang mga naging kaganapan sa kaarawan ng Superstar. Nag-umpisa sa Yanig Tribe Drumbeaters, opening prayer, flower offering and candle lighting, na sinundan ng pagkanta ng mga songs ni Ate Guy.


May photo op din with Ate Guy’s fave big photo by Romy Vitug for her film Atsay courtesy of brother Henry Galang.


May salu-salo na naganap na tinawag nilang picnic time, at may mga pa-giveaways pa tulad ng Pan De Nora, sorbetero ice cream, at siyempre, may pa-raffle games din.

At exactly 5:30 PM ay nagkaroon din ng rosary at St. John Parish Eastwood. At 6:00 to 7:00 PM naman ay nagdaos ng misa sa St. John Parish Eastwood. Around 7:15 to 8:30 PM, may fellowship, dinner at program.


Nagkaroon ng mga special guest performers at group presentation. Nag-dinner sila nang sama-sama, nag-cake blowing at nagkantahan ng Happy Birthday kay Ate Guy.

Ang birthday celebration ni Superstar Nora Aunor ay dinaluhan ng napakaraming nagmahal na Noranians sa kanya.


Dumating din sa Eastwood si John Rendez at nakipagkumustahan sa mga nagmamahal sa Superstar. Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni John ang mga nag-asikaso sa birthday celebration ni Guy.


Ani John Rendez, “Thank you po kay Sir Gabs Garcia and Sis Marie Cusi for organizing the Nora Aunor birthday tribute at Eastwood City today.


“And thank you to all the Noranians that showed up to show their love to our National Artist and Superstar,” pagtatapos ni John Rendez.


Samantala, ang Eastwood Walk of Fame Star ay open for public.

Natanong naman ni yours truly kung sino ang dumating na anak ni Guy sa Eastwood. 

Ang sagot ni Jen Donna Pergis Moreno ay... “Wala pong mga anak.”


Hindi man nakarating si Lotlot De Leon sa Eastwood ay binati niya naman sa social media ang kanyang ina at ito ang kanyang sinabi: “Happy birthday in heaven, Mommy! I will always love you.”


Nag-post din sa social media si Lotlot tungkol sa dinaluhan niyang event para sa kanyang ina at ito ang kanyang sinabi: “Kailan lang ay ginanap ang Pamanang Pelikula: Celebrating The Life and Works of Nora Aunor sa Metropolitan Theatre.


Featuring the films of mom: Atsay, Tatlong Taong Walang Diyos and the newly restored film ‘Merika.


“Taos-puso pong pasasalamat sa lahat ng mga organization na nagtulung-tulong upang muling mapanood ang mga pelikula ni Mommy.


“To FDCP, NCCA, mga Hiyas ng Sineng Filipino, Metropolitan Theater, Sagip Pelikula, Philippine Film Archive, and Solar Pictures.


“No words can express how truly grateful we are, kami ng mga kapatid ko.


“Salamat sa lahat ng dumalo, sumuporta, at nanood ngayong araw na ito. Salamat sa lahat sa patuloy na pagmamahal kay Mommy at sa aming pamilya.


“Mabuhay ang Pelikulang Pilipino. Mabuhay ang Sining ni Nora Aunor.”

Nasabi rin ni Lotlot sa naturang event, “Ang sining ng aming ina, kahit kailan ay ‘di maglalaho.


“Maraming salamat sa tiwala at pagmamahal na hanggang ngayon ay ibinigay n’yo pa rin sa aming ina.”



PAINIT na nang painit ang labanan sa ika-pitong season ng Pilipinas Got Talent (PGT) ngayong pinangalanan na ang Top 24 semi-finalists na magtatagisan sa live semi-finals simula ngayong Sabado (Mayo 26) at Linggo (Mayo 27).


Mula sa 73 acts na nabigyan ng ‘yes’ ng judges, 24 acts ang nakalusot papuntang next round, kabilang ang limang Golden Buzzers at 19 na acts na pinili ng mga judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, at Donny Pangilinan sa naganap na Judges’ Cull noong Linggo (Mayo 18).


Noong Sabado (Mayo 17), nakilala na rin ng manonood ang Golden Buzzer ni Donny ngayong season na si Esay Belanio. Napabilib nga ng 19-anyos na rockstar si Donny sa kanyang magaling na pag-angkin ng stage at magandang performance.


Makakasama ni Esay sa live semis ang kapwa Golden Buzzers na sina Jasmine Flores, FM Lightrix, JB Bangcaya, at Femme MNL.


Ang 19 acts naman na matutunghayan ng mga viewers simula ngayong weekend ay sina Brayt Box Duo, Roxbrix, Cardong Trumpo, Chikletz Family, Olayapanit Band, Dwyne Lopena, Fuego Eterno, NDDU Gnrls, Godwin Gonzales, Carl Quion, Ody Sto. Domingo, Jaylo and Faris, The Amazing Duo, The Amazing Twisters, Jessie J, Kinnarda, Manza, Mahmood Sounds, at Owen Bofill.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page