top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Jessy-Luis, Andi-Philmar, Glaiza-David…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2020
1 min read

MGA CELEBS, KANI-KANYANG STYLE NG PROPOSAL PARA TUMATAK SA MADLANG PIPOL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 26, 2020



Kani-kanyang diskarte at style ang pagpo-propose ng kasal ng ilang celebrities ngayon.


Si Luis Manzano, sa Amanpulo, Palawan pa ginawa ang pagpo-propose niya sa nobyang si Jessy Mendiola. Isinabay na rin nila ru'n ang kanilang prenup shoot.


Kakaiba naman ang ginawa ng surfer na si Philmar Alipayo sa karelasyong si Andi Eigenmann. Underwater ang naging venue ng proposal ni Philmar kaya agaw-pansin sa lahat!


Parehong residente na ng Siargao sina Andi at Philmar. Dito na nila gustong manirahan kasama ang kanilang mga anak! Nagpatayo na sila ng bahay sa isla at magbubukas ng resto bar!


Ang latest celebrity na inalok na rin ng kasal ng BF ay si Glaiza de Castro. Sa Ireland ito nangyari dahil nandu'n ngayon si Glaiza para magbakasyon kasama ang BF na si David Rainey.


Well, usung-uso ngayon ang mga nagpo-propose. Sino pa kaya ang susunod sa kanila?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page