JENNYLYN AT DENNIS, MAY SURE BABY NA ULI
- BULGAR
- Jul 7, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 7, 2023

Hanggang ngayon ay naka-freeze pa pala ang embryo ng mag-asawang Jennylyn Mercado and Dennis Trillo na gagamitin sana nila noon para magkaroon sila ng anak via surrogacy.
Luckily ay unexpected ngang nabuntis si Jen in 2021 and gave birth to Baby Dylan last year.
“Sabi ko, ‘Bakit pa tayo gumastos? ‘Eto na pala.’ Ang dali-dali lang,” natatawang sabi ni Jen sa panayam ni Nelson Canlas.
Pero if ever na mag-decide raw sila to have another baby ay puwede pa rin daw nilang gamitin ang frozen embryo.
“Puwede pa po ‘yun, naka-freeze lang ‘yung mga embryos. Anytime na gusto naming magka-baby ulit, puwedeng ako na, puwedeng surrogate ulit. Depende kung kakayanin ko,” sey ni Jen.
Ngayon ngang mahigit isang taon na si Baby Dylan, balik-trabaho na si Jen at nagsimula nang mag-taping ng kanyang serye sa GMA-7 na Love, Die, Repeat.
Pero hindi rin daw sila puwedeng magsabay ni Dennis sa trabaho at napag-usapan nilang halinhinan sila sa paggawa ng project para may magbantay sa kanilang anak.
“Hindi puwedeng naiiwan si Dylan nang mag-isa,” aniya.
May mga interesado nga raw na kunin silang magkasama sa isang proyekto pero sa ngayon ay parang imposible raw talaga.
“Kasi, si Dylan, naghahanap talaga. ‘Yung kailangan niya si Mama, kailangan niya si Papa, ganu’n,” sabi ng Kapuso Ultimate Star.
Almost three years ding nagpahinga sa paggawa ng proyekto si Jen, kaya nang sumabak daw siya sa taping ulit ay parang nanibago siya.
But at the same time ay excited daw siya dahil first time raw na magkakaroon ng serye sa GMA-7 na ang konsepto ay tungkol sa time loop.








Comments