JASON, 'DI LANG SI MELAI ANG NIREGALUHAN NU'NG V-DAY
- BULGAR

- Feb 17, 2024
- 1 min read
ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 17, 2024

Paghanga ang naramdaman ng mga fans nang bigyan ni Jason Francisco ng simple yet meaningful na regalo nu’ng Valentine's Day ang asawa na si Melai Cantiveros at pati mga anak nito sa isang video clip.
Ibinahagi ni Melai sa kanilang Facebook page ang post na may caption na “Thank you so much Papa Jason” na may heart emoji sa dulo at naglagay din ng “Fr. your April Girls.”
Sa video, ikinatuwa ng netizen ang sorpresa at usapan ng pamilya Francisco habang ibinibigay ni Jason ang regalo sa kanyang mag-iina.
“Happy Valentine's Day,” saad ni Jason habang isa-isang inaabot ang red roses, yellow roses, pink roses at mga chocolates.
Saad naman ng asawa nito, “Thank you so much my loves.”
Hindi lang ‘yun, nagbigay pa si Jason kay Melai ng kuwintas.
Ani Melai, “You’re so sweet.”
Dagdag pa na pati ang mga kasama nila sa bahay ay inisa-isang binanggit ni Jason dahil maski sila’y may matatanggap na regalo mula sa kanya.
Sabi nga ng isang netizen, “Simple ngunit sincere.”
Ito ang isa pang comment ng netizen, “Wow the best ka. You're the best husband and father. Celebrating Hearts' Day with the family is the best memory that you can give to your children.”





Comments