JANELLA, UMAMING NA-TRAUMA KAY MARKUS, AYAW NANG BALIKAN

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 22, 2023

Guest sa latest vlog ng broadcast-journalist na si Karen Davila nitong Huwebes, Disyembre 21, ang Kapamilya actress at singer na si Janella Salvador.
Mainit nga ang mga naging tanong ni Karen sa aktres at inusisa rin nito kung magkakaroon ba ng second chance ang relasyon nila ng ama ng kanyang anak na si Markus Paterson.
Diretsa at hindi nangiming sagutin ni Janella ang tanong, sey niya nga ay hindi niya iniisip ang bagay na 'yon sa ngayon kahit pa okay naman na sila.
Saad niya, "Right now, ‘di ko iniisip ‘yun. No. Okay na rin kami now. Healing apart. I don’t think it was good din for a mental health."
Matapang ding inamin ng aktres na hindi niya pa rin maiwasang balikan ang mga pangit na karanasan niya nu'ng mga panahong iyon ng kanyang buhay dahil umabot pa sa puntong nalosyang na siya para lang maisalba ang dating relasyon.
Ayon kay Janella, ang naging takeaway niya sa kanyang mga naging relasyon ay tapusin na agad lalo na kung may potensyal na maging abusive ang isang ugnayan.
Naibahagi rin niyang traumatized siya sa drinking problem ng kanyang ex- partner na si Markus at nanginginig pa raw siya sa tuwing alam niyang pauwi ang kinakasama na lasing.
Pahayag niya ,“Actually, hindi naman sa mga lasing in general cause I still enjoy a few drinks every now and then. I can still enjoy, I can be around people who are drunk. But if it’s my partner that comes home drunk ay grabe yung anxiety ko, nanginginig.”
Kasalukuyan naman silang nagko-co parenting ni Markus sa kanilang anak na si Jude Trevor.





Comments