JANELLA, LUMANTAD NA AFTER KUMALAT NA NANGANAK NG BABY BOY

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 14, 2020

After more than one month, balik-Instagram si Janella Salvador at nag-post ng mga bagong larawan na umiinom ng kanyang ini-endorse na kape.
“The many faces of Janella and her cup of happiness,” caption ni Janella.
Bago ito, ang huling post pa ng aktres ay noong Nov. 6 na nagpo-promote ng kanyang endorsement. Kung bakit siya nawala nang isang buwan, ‘yun ang hindi natin alam.
Matatandaang naging kontrobersiyal these past few months si Janella dahil nga sa tsismis na buntis siya sa boyfriend na si Markus Paterson. Base sa mga larawan na ipino-post nila ay nasa United Kingdom sila at sinasabing doon nga raw manganganak ang aktres.
Tsismis nga rin na nanganak na raw si Janella last October, pero up to now ay wala pa rin silang kumpirmasyon or denial tungkol dito.
Anyway, sa mga posts ni Janella ay marami ang nagko-congratulate sa kanya dahil nga feeling nila ay nanganak na talaga ang aktres ng isang healthy baby boy.
Puring-puri rin ng mga netizens ang bagong photo na ipinost ni Janella dahil lalo raw itong gumanda ngayon. Ang dami ring nagkomento na nami-miss na nila ang aktres at sana raw ay umuwi na ito.





Comments