top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

JANELLA, 'DI MAAMING NANGANAK NA DAHIL SA KONTRATA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 1, 2020




Hinihintay na ng marami ang pag-amin ni Janella Salvador na siya ay ganap nang ina.


Nauna nang nag-post si Markus Paterson ng larawan ng isang baby boy na nasa ospital. Pero walang caption kung kaninong baby ito.


Hindi naman kumbinsido ang mga fans na anak ito ni Janella, kahit na naglabasan na ang mga kuha ng mommy ni Janella na si Jenine Desiderio na sumunod sa London upang suportahan/damayan ang anak sa kanyang kalagayan.


Nananatiling palaisipan sa lahat ang tunay na lagay ni Janella Salvador.


Ayon naman sa ilang showbiz observers, hindi maaasahan na aamin si Janella sa tunay niyang kalagayan ngayon. May kontrata pa kasi siya sa kanyang existing product endorsements. At hangga't hindi pa tapos ang kontrata niya ay hindi niya maaamin ang real score sa kanyang personal life.


'Yun ang aabangan ng kanyang mga fans pagbalik niya ng 'Pinas.


Marami naman ang labis na nanghihinayang dahil mas binigyan ng prayoridad ni Janella ang kanyang love life at pinakawalan ang magandang oportunidad sa kanyang career.


Maganda pa naman sana ang future ni Janella Salvador bilang young actress-singer.

Malayo pa sana ang kanyang mararating kung hindi niya inuna ang pag-ibig!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page