top of page

Jane, niyaya si Janella na makatabi sa kama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2024
  • 1 min read

ni Lucille Galon @Entertainment News | June 25, 2024



News


Sa Instagram (IG) live ni Janella Salvador ay kinilig ang mga fans nila ni Jane de Leon dahil sa mga biruan at mga tsikahan ng dalawa. Well, siyempre, kinumusta ni Janella si Jane sa mga ganap nito sa Taiwan.


Chika ni Jane, “Super daming kababalaghan na nangyari dito. Hindi natin kabisado ang mga spirituals na nangyayari. Pero thankful din kami. Something new. Naninibago ako beh! Ay, beh! Tama na beh! Hahahaha!” Tanong naman ni Janella, “Kailan ka uuwi?”


“Sa July pa ako uuwi. Bakit?” sagot ni Jane. “Hindi pa natin nagagawa `yung sinasabi mo sa akin. Game ka pa ba roon?” tanong ng aktres kay Jane.


“Oo, kaya nga kita pinababalik dito!” sagot ni Jane. “Bakit hindi ka pumunta dito?” sey ni Jane kay Janella. “Tabi tayo rito sa kama ko. Wala akong kasama rito,” sambit pa ni Jane kay Janella. “Beh, may pamilya ako beh! May anak ako!” sey ni Janella.


Well, close talaga sina Janella Salvador at Jane De Leon at malapit din ang huli sa anak ng una. Pero may namumuo na nga bang relasyon sa kanilang dalawa o best friends lang talaga?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page