top of page

JAKE, GUSTONG ITURING NG ANAK NA PARANG KAPATID LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 2, 2024




Ibinahagi ng aktor na si Jake Ejercito sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na nais niyang maging bukas ang anak na si Ellie sa kanya dahil hindi naman nagkakalayo nang sobra ang kanilang edad.


Sa latest interview, hindi naiwasang mausisa ni Ogie ang mga viral na palitan ng mensahe nina Jake at Ellie dahil sa cute at kuwelang dynamics ng mag-ama.


Naitanong ni Ogie kung paano ang sitwasyon ng dalawa dahil parang magkapatid at magbarkada lang daw ang aktor at ang anak nito.


Sey ni Jake, "I guess given the fact na ang liit lang ng age gap namin e. I mean, ‘yung typical siguro sa magulang at anak. I was 21 when she was born. So parang ganon na nga rin ‘yung dynamics namin.


"Parang magkapatid or magbarkada and I enjoy it that way. Mas gusto ko na lumalabas si Ellie na open siya sa ’kin, na she trusts me. Mas gusto ko ’yun kaysa sa kinatatakutan n'ya ‘ko or nagtatago siya ng— may mga sikreto siya sa’kin," dagdag ng aktor.


Matatandaang laging bumebenta sa mga netizens ang screenshots ng convo nila ng kanyang anak dahil madalas na sinusupalpal ng mga kuwelang hirit ni Ellie si Jake.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page