top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Jake Cuenca bumisita sa delivery rider na tinamaan ng stray bullet sa kinasangkutan nitong insidente

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2021
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | November 8, 2021



Binisita ni Jake Cuenca ang delivery rider na nadamay matapos siyang habulin ng mga pulis sa Mandaluyong City noong nakaraang buwan.


Matatandaang naging usap-usapan si Cuenca matapos umano nitong mabangga ang sasakyan ng mga pulis at takbuhan ang mga ito na humantong sa pagkakaaresto sa aktor.


Sa naganap na habulan ay nagpaputok ang mga pulis dahil ayaw huminto ng aktor at doon nga ay tinamaan ng stray bullet ang delivery rider na si Eleazar Martinito.


Sa larawang ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram account, makikitang nakahawak ito sa kamay ng nakahigang delivery rider.


“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si eleazar martinito ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan,” caption ni Jake sa larawan.


Lubos din ang pasasalamat ng aktor sa mga pulis na tumulong upang mapuntahan niya ang delivery rider.


“Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita. Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya. Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho,” dagdag pa ni Jake.


Sabi pa ng aktor, “Nandito lang ako para sa’yo Ely!”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page